Herlene tinawag na ‘Budol Queen’ ng netizen dahil sa bagong itsura, nagparetoke nga ba?

Herlene Nicole Budol

KUNG marami ang nagdarasal at umaasang mananalo ng titulo at korona si Herlene Nicole Budol sa Binibining Pilipinas 2022, may mga nangnenega ring haters sa komedyana.

Binasag ng ilang netizens ang mga glam photos ni Hipon Girl sa social media at karamihan sa mga ito ay nagsabing parang sobra na ang ginawang “retoke” sa kanya.

Feeling nila, ibang tao na raw ang nakikita nila sa mga litrato ni Herlene ngayon para sa pre-pageant ng Binibining Pilipinas 2022.

Sa Instagram ng Kapuso star, sunud-sunod ang pagpo-post ng aspiring beauty queen ng mga kaganapan sa beauty contest na sinalihan niya, kabilang na rito ang isang solo photo niya bago rumampa sa swimsuit competition.

Aniya sa caption, “Yung make up ko daw kahapon ay latina look para daw ako si Miss Venezuela – Dayana Mendoza! Salamat sa Make up artist ko @maryletim at ang aking Hair stylist @anthonybuenaobra.


“Salamat din sa aking Pasarela coach @mommy.gie at sa aking mentor Tito @rodinb.flores & Sir @sirwil75 at ang aking ate @daisyinutz.

“Sa aking Stylist @vheecostyle & @omarsantossali Siempre higit sa lahat thank you kay Papa Jesus sa lahat ng blessings na tinatamasa ko ngayon.

“Answered prayer po at na e rampa ko narin finally ang aking Squammy walk sa Press presentation ng @bbpilipinasofficial. Pag bubutihin pa ni Hipon Girl nyo sa darating ng Coronation nyt July 31. e dedicate ko etong patimpalak kay Nanay Bireng ko sa heaven.

“Sa aking mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Siempre indi nag tatapos ang pag papasalamat ko at inspirasyon ko ngayon si Tatay Oreng & Budol Family at buong Angono Rizal.

“Salamat sa pagmamahal at pag susupporta nyo sa akin at sa mga bago kong follower at subscribers po. From the bottom of my heart. love you all po,” ang buong mensahe ni Hipon.

Narito namam ang mix reactions ng mga netizens sa itsura ngayon ng komedyana.

“Lakas maka latina mo dito sessss.”

“Budol Queen! filter at face app queen. no need to do it dear. maganda ka without it.”

“Looks like Barbie.”

“Why am I hearing your voice while reading this? Loveyah Queen!”

“Kaya mo yan herlene! Pray lang.”

“Really rooting for you, Herlene! Hindi ka lang hipon, isa kang buttered shrimp. Favorite ng lahat maliban sa may allergies. Hahaha! Ramdam kong may masusungkit kang crown. Congratulations in advance!”

“I really admire ur authenticity, your love for your family and your goals.. Keep Fighting.”

“Super yassified naman. Okay yung make up mo, hindi mo na need mag Remini.”

“Photoshop? jk!”

“Iba yung face niya sa pic vs video.”

“Maganda ka naman e pero hinay hinay lang po sa edit mas maganda po pag HD at walang edit ang pinopost mo na pic. Pero no hate maganda ka sayang lang sobrang edit kasi ung mga inuupload mo na pics.”

https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas

https://bandera.inquirer.net/283203/kobe-paras-umaming-inatake-ng-depresyon-andre-may-bwelta-sa-haters

Read more...