Bakit biglang umalis ang drummer ng P-pop group na The Juans, may issue ba?

The Juans

WALANG issue o matinding away na pinagdaanan ang OPM all-male group na The Juans matapos mabalita ang pag-alis ng drummer nilang si Joshua Coronel.

Iyan ang ginawang paglilinaw ng grupo sa ginanap na presscon kamakailan para para sa next major concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa October 23.

First time humarap ng The Juans sa entertainment media makalipas ang dalawang taon mula nang magkapandemya. Ginanap ang mediacon ng grupo na inorganisa ng Viva Records at Wish 107.5 FM bago ang fan event na “Juanite” sa SM North EDSA Skydome.

Sabi ng lead vocalist at keyboardist na si Carl Guevarra, hindi man nila makakasamang tumugtog si Joshua, bahagi pa rin ito ng lahat ng kanilang achievements.

“He’s very much a part of this (concert). Kasama siya sa pangarap na ’yon. Doors are open for Josh because once a Juan, will always be a Juan,” ani Carl.

Dito, ipinagdiinan ni Carl na walang bad blood sa pagitan nila at ng dating drummer. Sa katunayan, excited na rin daw si Joshua sa concert ng grupo sa Big Dome dahil nakasama rin ito sa pre-production.

Paliwanag ni Carl, “Bilang isang pamilya, isa sa values namin ay pahalagahan ang priorities ng bawat isa. And in our case, as we all know, si Joshua po ay meron nang asawa, meron nang baby (girl). Of course, you know, as you enter a new phase in your life, having a family, it’s a major game changer, ’di ho ba?

“And minsan, hindi maiwasan may mga decision making talaga na kailangan naming respetuhin. And for us, we can boldly tell all of you that when we released Josh, it was because we value his priorities in the same way that Josh values our priorities.

“And so when Josh was leaving the group, malugod po naming tinanggap at sinuportahan na kung siya ay magpo-focus sa kanyang pamilya, masaya kami para sa kanya.

“For us, the story will go on. Sabi nga po nila, ’di ba, sa showbiz, the show must go on. I believe that the purpose and the vision of the group is more important to us than being able to stick to our narrative na ‘ah, sila ’yung nagsimula, sila hanggang dulo.’

“I feel like that the purpose is paramount to us. So mangyari man na apat na lang kami, we will have to get in more people, welcome more people into our family, we’re willing to do that.


“Kasi po, kami ay nag-grow as artists na ang pina-prioritize namin ay ’yung mensahe at ’yung purpose ng grupo more than personalities. So names will fade, faces will fade away but hopefully, the story and the vision of this group will remain years and years after us,” dire-diretsong pahayag ng bokalista.

Ang Araneta concert ng The Juans ay may hint ng film at musical theater kung saan nagmula si Carl. Hindi lang daw ito magiging concert of songs kundi may kahalo ring “beautiful visuals, beautiful set at creative expression of songs.”

Excited nga raw si Carl at ang iba pang miyembro ng The Juans na sina Japs Mendoza (lead guitarist), Chael Adriano (bassist) at RJ Cruz (guitarist) dahil gusto nilang bigyan ng kakaiba at bagong expression ang kanilang mga kanta kasama ang mga sessionista na hahalili kay Josh.

https://bandera.inquirer.net/286678/vocalist-ng-the-juans-lumalaban-sa-alopecia-sa-lahat-ng-meron-nito-i-see-you-i-feel-you-youre-not-alone

https://bandera.inquirer.net/299724/bts-rest-rest-din-pag-may-time-makakasama-ang-pamilya-ngayong-holiday-season

https://bandera.inquirer.net/314303/sikreto-sa-tagumpay-ng-negosyo-nina-juday-coco-marvin-at-james-gustong-ibandera-ni-dr-carl-balita

Read more...