COVID-19 survivor na rin ang aktor na si Paolo Paraiso matapos sumailalim sa self-isolation sa loob ng mahigit isang linggo.
Ibinalita ni Paolo sa madlang pipol ang pagkakaroon ng COVID-19 sa pamamagitan ng kanyang Instagram account at sinigurong okay na raw siya ngayon.
Ibinahagi ng aktor sa IG nitong Lunes, July 4, ang ilang litrato kung saan makikita ang resulta ng kanyang COVID-19 tests.
Sa caption, nabanggit ni Paolo na bigla na lang siyang nilagnat at nakaramdam ng matinding fatigue pero buti na lang daw at hindi lumala ang kanyang kundisyon at wala nang ibang symptoms ng virus.
“Unfortunately, I caught COVID last week. Woke up feeling weird but managed to put in a good workout. Later that day, i got high fever and felt super tired.
“Didn’t think it was COVID but i had to test anyway. Was sick for another day… then everything was fine.
“Lucky that I didn’t get the full menu of symptoms. Had to wait until my 7th day to be swabbed again to be cleared,” ang caption ni Paolo sa kanyang IG post.
Kaya naman ipinagdiinan ng aktor na totoong hanggang ngayon ay may COVID-19 pa rin kasabay ng pagpapaalala na sundin pa rin ang ipinatutupad na minimum health protocols kapag lumalabas ng bahay.
“So guys, wear your masks and don’t forget to test yourselves. I’m okay now. Tuloy ang laban!” paalala pa niya.
Huling napanood si Paolo nitong Abril sa longest-running Kapamilya serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin bilang so PCaptain David Alcantara na member ng Black Ops team.
https://bandera.inquirer.net/292148/lolit-dumepensa-para-kay-paolo-hindi-lang-naman-babae-ang-hurting
https://bandera.inquirer.net/279589/maxene-balik-pinas-makalipas-ang-mahigit-1-taon-sa-indonesia-mabuhay
https://bandera.inquirer.net/282154/janine-umaming-nagpa-therapy-it-has-saved-me-xx-times