Kathryn, Daniel hindi nga ba bet si Julia Barretto?

Kathryn, Daniel hindi nga ba bet si Julia Barretto?
USAP-USAPAN ngayon kung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang celebrity couple na sina KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at JuRald (Julia Barretto at Gerald Anderson).

Ito ay nagsimula nang maging paksa nina Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kung saan kasama niya sina Mama Loi, Tita Jegs, Dyosa Pockoh, at Mrena ang Nguya Squad na kinabibilangan ng Kathniel kasama sina Joe Vargas, Bianca Yanga, Ria Atayde, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Pat Sugui, Aeriel Garcia, at Marco Gumabao.

Unang naitanong ni Mama Loi ang tungkol sa YouTube vlog ni Kathryn kung saan kasama niya ang mga girl members ng Nguya Squad na sina Aeriel, Ria, Gabbi, at Bianca na sa ngayon ay hindi nakikita sa channel ng aktres.

Naging palaisipan tuloy sa mga netizens kung may something nga ba sa grupo dahil nakumpirma nila na wala na sa channel ng girlfriend ni Daniel ang kanilang fun chikahan.

Naungkat rin ang hindi pagkakapunta ng KathNiel sa kasal ng mga kaibigan na miyembro rin ng Nguya Squad.

May isang netizen rin ang nagpadala ng mensahe kina Mama Loi ukol sa isa sa maaring maging dahilan kung bakit nga ba wala ang dalawa kasal at ang pwede ring dahilan kung bakit wala na ang vlog ni Kathryn sa kanyang YT channel.

“Hello. Napanood ko po sa vlog n’yo about sa ‘Nguya’. Sabi po ng iba dahil nandoon si Julia at mas pinili nina Bianca, Gabbi, at iba pang member ng ‘Nguya’ si Julia. Isa sa cause kung bakit hindi um-attend sa kasal ni Joe sina Kath kasi nandon si Julia at Gerald,” saad ng netizen.

Dagdag pa nito, “Pero po kasi matagal na kaibigan nina Marco, Pat, AE, halos lahat ng member ng ‘Nguya’ kaibigan ni Julia at may grupo pa nga sila na ‘Squala Familia’. Matagal na po ‘yan. Mas nauna pa po sa ‘Nguya’.”

 

 

Nilinaw naman ni Ogie na nasabi na nila ang naging rason ng KathNiel kung bakit hindi sila nakadalo sa kasal.

Naging busy noon sa lock-in taping ang dalawa nang ikasal si Patrick at Aeriel samantalang nagkasakit naman si Daniel nang ikasal naman sina Joe at Bianca.

“So ano ‘yun? Ibig sabihin hindi feel ng Kathniel si Julia Barretto? Baka hindi naman ganon, baka nagkataon lang ‘yun,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Baka ang ending niyan sa ‘yo galing ang news.”

“Ay may nag-PM,” depensa ni Mama Loi. “Ang news na nanggaling sa akin na na-confirm nila, confirmed, deleted [ang YT vlog ni Kathryn].”

Hirit naman ni Ogie, “Hayaan na lang natin magsalita sila. Mahirap naman na comment tayo nang comment dito. Baka naman yung binasa natin dito baka sapantaha lang niya o feeling lang niya. Kunbaga nag-connect the dots lang sila. Baka naman okay naman yung dalawa.

Dagdag pa niya, wala naman daw siyang naririnig na may something sa pagitan ng mga ito.

Related Chika:
Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Loyal KathNiel fans na may mga trabaho at anak na nag-sorry kina Kathryn at Daniel, bakit kaya?

Read more...