AKALA ng mga taga-industriya ng pelikula pati na rin ng media ay tuluy-tuloy pa rin si Miss Liza Dino sa kanyang tungkulin bilang Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.
Ilang buwan kasi bago bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ini-extend na siya sa kanyang posisyon hanggang 2025.
Kaya naman walang agam-agam si Chair Liza na lilisanin na niya ang FDCP at ito rin ang ipinagpapasalamat niya dahil patuloy pa rin niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng mga taga-movie at television industry.
Pero heto, isang iglap ay hindi na siya ang hepe ng nasabing ahensiya.
Huli naming nakausap si Liza sa Healthy Pilipinas Short Film Festival na unang collaboration ng FDCP at Department of Health (DOH) kung saan nagkaroon ng opening at awarding sa Shangri-La Plaza Red Carpet Cinema 1 noong Hunyo, 25.
Pinasalamatan nito ang media dahil laging nakasuporta sa FDCP sa lahat ng proyekto nito sa pagbibigay ng updates sa publiko at maging siya ay panay-panay din ang post sa kanyang FB account tungkol sa developments ng bawat projects na nagaganap sa ibang bansa.
Sayang, mukhang hindi na matutuloy ang ika-6th Pista ng Pelikulang Pilipino Festival ngayong Setyembre.
Anyway, kagabi ay nagpaalam at nagpasalamat na si Liza sa pamamagitan ng video post niya sa FB.
Aniya, “Hi everyone, I’m still at the office. I just want to let you know the agency also read the latest development regarding the chairmanship of the FDCP online and while we haven’t received any official communication from the office of the President that we are preparing for a smooth process and turn-over ng FDCP to our new chair.
“And we will welcome him pagdating niya rito.
“And I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat ng suporta ninyo, sa lahat ng messages ninyo. Thank you so much for your love and support,” aniya pa.
Marami naman ang nagpakita ng suporta at nagpasalamat sa dating hepe ng FDCP lalo na ‘yung mga taong nawalan ng trabaho sa entertainment industry sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Isa sa kanila ay binigyan ng pagkakakitaan ni Miss Liza.
Base sa post ni Jamie Esteva Wilson na taga-production na nawalan ng trabaho noong lockdown na ginawang safety officer, “When The Universe gave me a light bulb moment in my darkest days of this pandemic, my first phone call was to her.
“When I first thought of entering the world of Safety, I didn’t know where to start. And she took me by the hand and led me towards what has become not only an essential part of my life, but also one of the main reasons why I am alive and thriving today.
“To everyone that I’ve ever kept safe, at a shoot or at an event, officially and personally over the course of this horrible pandemic, she is an integral element on how I’ve been able to do it.
“From my first training session, to my initial vaccination, and everything inbetween, she’s been right there: Guiding me and inspiring me, Backing me up and cheering me on.
“To the thousands, yes, thousands of people I’ve kept safe from harm and safe from sickness and infection, you have her to thank.
“As I can never thank her enough. For her passion. Her dedication. Her bottomless energy, and her honest to goodness love for what she does for every single person who’s ever been involved in film, television and the Audiovisual industries.
“Thank you Liza Diño-Seguerra.You literally not only helped me save lives; you saved mine.”
Sagot naman ni Miss Liza, “Kuya Jaime, I have YOU to thank for believing in this seemingly impossible goal to create a culture of safety for our workers in the industry. You have been there, saw the good that we do and it was more than enough encouragement to keep us going. Salamat. Yakap Kuya Jamie.”
Say naman ni @Boombee Bartolome, “Bilib rin ako sa mga staff ng FDCP. Pre-pandemic pa, ‘yung mga panahon na nagkamatayan ang mga filmworkers,and then later on, si Mr. Eddie Garcia, inaabot na kami ng hating-gabi sa mga TWG meetings para mabuo yung OH&S guidelines ng industry. Sila ang nagpe-preside noon. We felt heard and seen.”
Mula sa umeekstra sa pelikula na si @Evangeline Torcino, “Ikaw lang ang tanging nakinig sa mga hinaing ng mga background actor , tanging sumuporta sa layunin ng Sagiptalents paano na kami, paano naman ang Ektra ng pelikula at telebisyon , balik naman kami sa dati na umaasa na papakingan.
“Sa puso ko ikaw parin ang Chair Liza namin. Nakilala ang FDCP dahil syo dahil sa sipag at magandang layunin mo sa industriya.”
Nagkuwento rin ang direktor na si Perry Escaño kung paano rin siya tinulungan ni Liza, “Madam Liza Diño-Seguerra thank you for everything, since our college years we were together doing theater plays, films and solid friends hanggang sa Manhattan filmfest at ngayon.
“Haha Pina-experience mo sa akin kumain sa 5 Star Hotel sa New York nu’ng 2012 na hindi ako ang taya, di ko alam kung bubunutin ko ang $ ko sa laki ng bills pero sabi mo kayo na at pang hotel ko na lang dahil matagal pa ako mag stay.
“Haha hanggang naging Chairwoman ka ng FDCP lagi ako welcome sa bahay mo at sa mga birthdays mo.
“Ayan, ‘yong post mo nu’ng nag Premiere nu’ng film ko sa bahay ng FDCP naka-save iyan sa messenger ko. Sa lahat at napaka daming mga proyekto mong ginawa, malaking tulong sa industriya.
“May malasakit ka talaga sa lahat madam. Alam mong solid ako sa iyo at supportado ko ang pagiging chairwoman mo madam. Thank you for all your contributions, you did awesome to our industry. Job well done! Tara arte na tayo ulit! I’m so proud of you madam! Luv you madam Liza!”
https://bandera.inquirer.net/315863/ice-seguerra-pinag-iipunan-ang-pagpapatanggal-ng-dibdib-saludo-sa-katapangan-ni-jake-zyrus
https://bandera.inquirer.net/306317/liza-dino-sa-viral-dibdib-photo-ni-jake-zyrus-kung-yun-ang-magpapasaya-sa-kanya-suportahan-natin-siya
https://bandera.inquirer.net/313756/darryl-yap-planong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-pamilya-marcos-aprub-sa-mga-bbm-loyalist