2 beki na nanloko kay Ogie Diaz sa pera magkasunod na nategi; dyowa ng cager na milyones ang utang mapatawad kaya?

Ogie Diaz

PINAG-IISIPANG mabuti ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kung patatawarin na niya ag asawa ng sikat na basketbolistang milyones ang utang sa kanya.

Nabanggit kasi nito na may dalawang taong gumawa ng kasalanan sa kanya na ilang beses niyang binigyan ng chance para magbagong-buhay pero umulit pa ring gawan siya ng hindi mabuti at pinatawad na niya para wala na sa kanya ang burden, ang ending wala na sila ngayon sa mundo.

Sa Facebook post ni Ogie nitong Martes ay iniiisip niya kung patatawarin nga niya ang asawa ng kilalang basketbolista.


Tanong ni Ogie, “PATAWARIN KO NA BA?

“Musta na kaya yung mestisang dyowa ng basketball player na may dyutang sa akin kasama yung kanyang sekretarya sa pang-eechos ng mga kliyente para bulagin sa mataas na interest at iskamin?

“Paano kasi, nakita ko na naman ‘yung mga tseke niyang walang pondo sa isang bag ko, kaya naalala ko uli ang ginawa niya sa akin. Ilang milyon din ang utang sa akin.

“Ambait ko pa naman sa kanya. Pinapayuhan ko pa yan na ayusin ang buhay, ayun, pati ako naloko o niloko. Di rin nakaligtas sa kanya.

“Kinuwentuhan ko pa siya, ha? Na pag ako, niloloko sa pera, ewan ko—nagkataon lang siguro—pero nagtapos ang buhay nila.

“Yung dati kong PA na bading, dalawang beses nilimas ang debit card ko nung early 90s, pinatawad ko pa at binigyan ng second chance, ayun, second time din niyang nilimas ang atm ko.

“Pinatawad ko uli, pero pinaalis na din kasi nalulong sa droga. Ayun, after several years, nakagat ng aso, nategi,” pahayag ni Ogie.

Sabi pa niya, “Yung isang bading na reporter naman na tinulungan kong maging reporter at kinupkop ko sa bahay, nilimas din ang debit card ko, tapos, idinenay pa eh na-trace ko, may withdrawal sa isang atm sa casino. Eh siya lang naman ang nagka-casino.

“Di ko mapatawad nu’ng una, pero kalaunan, inimbita ko pang magkape at binigyan ko pa ng pera na may paalala pa na, “Wag ka nang mang-iisa ng kapwa, idiretso mo na ang buhay mo. Wag kang mag-alala, pinapatawad na kita.”

“After several years, na-stroke, gumaling. Pero namaalam din.

“Alam ko, nagkakataon lang itong pag pinapatawad ko, eh inaalat ang buhay. Dahil me mga ubod naman nang samang tao, hanggang ngayon, buhay pa, eh,” ang sabi pa ng talent manager.

“Feeling ko lang naman ito. Kaya minsan, nagdadalawang isip ako kung patatawarin ko o ‘wag muna, eh.

“Pero itong misis ng basketball player, ayokong patawarin kahit gusto ko, baka kung ano naman ang mangyari eh.”

“Gusto ko, patuloy siyang mabuhay para sa anak niya at mabangon niya ang kanyang dignidad. Sana nga, mabayaran pa rin niya ako.

“Kaso, paano? Eh nakakulong?” ang pahabol pang pahayag ng vlogger at dating manager ni Liza Soberano.

https://bandera.inquirer.net/302568/ogie-diaz-binantaan-na-ang-asawa-ng-basketball-player-na-hindi-pa-nagbabayad-ng-utang

https://bandera.inquirer.net/302641/nagpakilalang-asawa-ng-sikat-na-basketball-player-arestado-sa-mga-kasong-extortion-carnapping
https://bandera.inquirer.net/291040/yan-ang-filipino-marunong-tumanaw-ng-utang-na-loob

Read more...