PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang veteran actor na si Tirso Cruz lll bilang bagong chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ito’y kahit pa nga na-reappoint si Liza Dino bilang pinuno ng nasabing ahensiya bago pa bumaba sa puwesto si former President Rodrigo Duterte.
Balitang nanumpa na si Tirso kaninang tanghali sa harap ni Pangulong Bongbong kasama ang ilang kapamilya bilang head ng nasabing film agency.
Ayon sa beteranong aktor, tulad ng lahat ng nakaalam ng balita sa entertainment industry, nagulat din daw siya nang malamang siya ang papalit kay Liza Dino at mamumuno sa FDCP.
“I am honored I was chosen. Mabigat na trabaho ito at kailangan ko rin ng tulong ng council,” sabi ng 70-taong-gulang na aktor sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ni Tirso, inaasahan niya ang tulong at suporta ng lahat ng makakatrabaho niya sa nasabing ahensiya para mas mapaunlad ang movie at entertainment industry.
Ayon pa sa ulat na nakarating sa amin, pagkatapos daw manumpa ng aktor sa Palasyo ng Malacañang ay bumalik agad ang aktor sa taping ng seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
Samantala, sinabi naman ni Chair Liza na ikinagulat din niya ang pagkakatalaga kay Tirso Cruz dahil nga kaka-renew lang ng kanyang appointment bilang FDCP chairman na may termino hanggang 2025.
Ngunit sa kabila nito, igagalang niya ang naging desisyon ng Palasyo at nangakong ite-turn over nang maayos ang operasyon ng FDCP sa bagong chairperson.
“I will work for a smooth transition of FDCP operations to Tito Tirso. We just need 30 days to prepare the turnover. We have the same vision to work for the betterment of the industry,” aniya.
Bukod kay Tirso, balitang na-appoint din ang veteran actor na si Johnny Revilla bilang bagong chairman ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB.
Marami nang nagawang pelikula at teleserye ang beteranong aktor at nagsilbi na rin siyang board member at reviewer ng MTRCB sa ilalim ng Duterte administration.
https://bandera.inquirer.net/315863/ice-seguerra-pinag-iipunan-ang-pagpapatanggal-ng-dibdib-saludo-sa-katapangan-ni-jake-zyrus
https://bandera.inquirer.net/307316/liza-may-hugot-sa-9th-jowanniversary-nila-ni-ice-you-personify-what-forever-means-to-me
https://bandera.inquirer.net/315516/kampo-ni-ai-ai-kinondena-ang-parusang-persona-non-grata-ng-qc-council-viral-video-hindi-dapat-seryosohin