PATULOY na binabatikos ang VinCentiments director na si Darryl Yap dahil sa inilabas nitong larawan bilang pasilip sa kanilang upcoming film na “Maid in Malacañang”.
Noong Linggo, naglabas ang direktor ng larawan mula sa eksena sa upcoming Viva film.
“Akyat bahay 1986. Magnanakaw ng kapangyarihan. Akyat Malacañang,” caption ni Darryl sa naturang post.
Agad namang umani ng samu’t saring komento ang post ng direktor sa kanyang Facebook account.
“What? Anong akyat bahay? As if naman na pag-aari ng mga Marcos yan. Malcañang belongs to the [Filipino] people,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Matinding pagbabaligtad ito ng kasaysayan. Grabe, ang sakit sa puso at malaya silang nakakagawa ng mga baluktot na pahayag.”
“Eto naman si Darryl Yap, hindi man lang ginawang makatotohanan yung propaganda film niya by basing scenes from numerous archived video footage and photos. Gumamit pa talaga ng sulo papasok ng Malacanang?? May aswang ba diyan?” hirit naman ng isa.
Marami rin ang nag-upload ng mga screenshot ng tunay na naganap noong EDSA People Power Revolution kung saan wala namang dala-dalang sulo ang mga tao bagkus watawat ng Pilipinas ang kanilang mga bitbit.
Labis na nababahala ang madlang pipol dahil ang paraan daw ng direktor ng paggawa ng pelikula ay maaaring paniwalaang totoo ng mga makakapanood nito.
Naglabas naman ng pahayag si Darryl hinggil sa trending photo na in-upload niya sa Facebook.
“MAIDinMALACAÑANG is not a docu, not a biopic. [A]s the writer, the director— my creative freedom and vision will surely be felt,” saad ng direktor.
Dagdag pa ni Darryl, “Kung gusto kong gawing [p]ink ang kulay na yan, pwede. [K]ung gusto kong gawing 3 tao lang sila pwede. yung 80,000 nga nagagawa nyong 400,000 sa mga rally— kahit di naman pelikula. ito pa kaya.”
Ibig sabihin lamang niya, bilang director ng pelikula ay ipinamalas lamang niya ang kanyang creative freedom niya sa paggawa ng pelikula at maaring may mga eksena na kanilang iniba para sa mas ikagaganda ng “Maid in Malacañang”.
Bilang isang Pilipino, karapatan at responsibilidad natin na alamin ang totoong pangyayari sa kasaysayan ng bansa at may mga tamang resources para ito’y pag-aralan at lubusang maintindihan.
Related Chika:
Darryl Yap planong gumawa ng pelikula tungkol sa pamilya Marcos; aprub sa mga BBM loyalist
Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo