Tulong ng lalaki | Bandera

Tulong ng lalaki

Joseph Greenfield - September 24, 2013 - 02:47 PM

Sulat mula kay Emely, ng Barangay Poblacion, Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Muntik na akong hindi nakapagpa-enrol sa susunod na semestre dahil sa kakapusan ng pera.  Mabuti na lamang at pinautang ako ng aking kaibigang lalaki.  Dinagdagan niya ang pera para makabili rin ako ng ilang gamit at nahihiya akong humingi ng dagdag pa.  Wala na sa lalawigan ang aking kaibigan at dahil sa problema sa katahimikan sa Mindanao ay marami kaming estudyante na nawalan ng trabaho.  Nangangamba ako na baka sa susunod na enrolment ay hindi na talaga ako makababayad ng matrikula.  Hindi na rin ako makababayad ng utang sa aking kaibigan at mas lalong nakakahiya kung sasabihin ko naman sa kanya ang aking problema.  Paano ko mababayaran ang aking utang? Makahahanap kaya ako ng bagong trabaho?  Pangarap ko talagang maging guro.  Matutupad kaya ito?
Umaasa,
Emely, ng Barangay Poblacion, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tuluy-tuloy na gumuhit ang Fate Line or Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na naghihirap ka sa kasalukuyan at kapos ka sa pangangailangang pang-materyal tiyak ang magaganap – makatatapos ka pa rin ng pag-aral.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Diamonds at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tulad ng nangyari na, at kasalukuyang nangyayari at mangyayari pa, sa tulong uli ng isang lalaking malapit sa iyo, magugulat ka, bigla ka uling magkakapera, upang matugunan ang pangangailangan mong pang-materyal at tuluy-tuloy ka pa ring makapag-aral.    Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending