Pinoy historian supalpal sa pakikisawsaw daw sa ‘History is like tsismis’ hugot ni Ella Cruz: ‘Umayos ka, chura neto!’

Ella Cruz

KUNG sinu-sino na ang nakikisawsaw sa kontrobersyal na “History is like Tsismis” statement ni Ella Cruz, pati ang Filipino Historian na si Ambeth Ocampo ay nag-react na rin.

Ni-repost din ni Direk Darryl Yap ang sagot ni Ambeth sa sinabi ni Ella na, “History is like Tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real story.  Andon na ‘yung idea, pero may mga bias talaga.  As long as we’re alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

Reaksyon dito ni Ginoong Ambeth, “Don’t confuse History and chismis. History may have bias out. It is based on fact not opinion. Real history is about Truth, not lies, not fiction.”


Sinagot naman ito ni Nick Nañgit ng NCN Law, “YELLOW HISTORIAN.

“Etong Ambethyoso nato, na mahilig mag angat ng sariling bangko, hihirit lang mali mali pa!

“1. Ang sabi ni Ella ‘LIKE’. Hindi n’ya sinabing ‘History IS chismis ‘ Ang tawag diyan ay ‘simile.’ Isa siyang “figure of speech”. Kinukumpara lang niya ang kasaysayan sa tsismisan. Bakit may pa-confuse ka pang nalalaman e mukhang ikaw ang na-confuse!

“Parang ganito lang yan: Kung sasabihin ko, Ambethoso is LIKE Roderick Paulate, hindi ibig sabihin ikaw siya. Kamukha mo lang o ‘yun bang may similarities kayo. Kapag may naghahanap sa inyo at dinescribe si Roderick Paulate na kamukha nung dambuhalang pakalat kalat, malamang ituturo ka, getz mo?

“2. Totoo naman ang sinabi ni Ella. Habang may buhay tayong lahat, may kanya-kanyang opinyon ang bawa’t isa. Dapat igalang ang pananaw. Wala naman siyang sinasabi na tumataliwas sa mga eme eme mo. Bakit ka affected?

“Dahil lamang kasama siya sa pelikula? Dahil lamang may pelikulang maglalahad na ng kabilang bahagi ng mga kuwentong dilaw? Ayaw niyo bang malaman ang buong kwento?

“Para lang ‘yan sa away ng mag-asawa. Hindi isang panig lang ang pakikinggan. Dapat parehong panig ay pakinggan. Doon malalaman ang buong kwento. Ang mahirap sa inyong mga hinehepa, Ambethyoso, e gusto nyo isang panig lang ang ikalat at ituro. Mali yun. Kahit sa korte o sa kumpisal, pakikinggan ang dapat pakinggan.

“3. Ansave mo, Ambethyso? ‘History may have bias, but it is … not opinion?’ Pag bias, ibig sabihin may kinikilingan. ‘Yan pa lamang pagkiling na yan ay pagpili na ng pinaniniwalaan, kaya’t lilitaw ang opinyon, dahil nga kinakailangang tumugma ang pagkiling sa paniniwala.

“4. Lahat ng naisulat na kasaysayan ay may kinikilingan. Halimbawa, sa paggamit pa lamang ng pang-uri, kapag may namatay sa isang monarkiya, depende sa manunulat kung gagamitin niya ang salitang ‘pinatay’ o ‘napatay.’

“Kung gusto niya ang pumatay, sasabihin niya, ‘napatay sa digmaan ang hari ‘ Kung ayaw naman niya sa pumatay, sasabihin niya, ‘pinatay ang hari ‘

“Magkaiba ang mabubuo sa kaisipan ng magbabasa. Sa una, ikatutuwa ng magbabasa ang kamatayan, dahil matapang at pinaglaban nang nagwagi, kaya napatay ang hari.

“Sa ikalawa, ikagagalit ng magbabasa ang kamatayan, dahil may masamang ginawa sa hari.

“Ano ang ibig sabihin nito? Na ang pagsusulat ng kasaysayan ay laging may kinikilingan, lalo pa’t kung walang nakaaalam ng buong nangyari o kung kulang ang datos, kaya bubuo na lamang ng opinyon. At saka, ang kasaysayan ay laging isinusulat ng nagwagi sa tunggalian. Alangan namang isulat ng nanalo na magaling at hangaan ang natalo.

“Walang permanente sa mundo. Maging ang kasaysayan ay hindi permanente. Pag may naungkat na bagong datos, kinakailangang baguhin, dagdagan, o iwasto ang kasaysayan.

“Halimbawa, kung nakasulat sa kasaysayan na walang anak ang isang reyna, subali’t lumabas kalaunan, lumantad, at sinuri pa na mayroon nga, itatanggi mo pa ba na, base sa mga naunang datos e, wala pa ring anak?

“Huwag kang tanga, Ambithyoso! Lalo mo pang guguluhin ang usapin, dahil pinapasok mo ang fiction. Iba ang kasaysayan sa opinyon, at pareho silang iba sa kathang-isip. Umayos ka, Ambithyoso!

“HINDI ka lang ang awtoridad sa usapin ng kasaysayan! Maraming awtoridad. At hindi lahat kayo ay pare-pareho ang opinyon. At lagi nga kayong nagtatalu-talo.

“Kung ang mga mismong saksi sa isang pangyayari ay nagtatalu-talo, yun pa kayang mga wala doon at ibabalita na lang?! Mahilig ka lang magsaliksik. Period.

“Pwes, alamin mo kung sino ba pumatay kay Ninoy at kung bakit kinremate si Noynoy, para may silbi ka sa 31M!

“At saka, laging tandaan, umasta nang naaayon sa ganda, chura neto!!!” mahabang litanya ng Nick Nañgit.

https://bandera.inquirer.net/317458/ella-cruz-pinagtawan-dahil-sa-sinabing-history-is-like-tsismis-pinangaralan-ni-agot-isidro

https://bandera.inquirer.net/317359/ella-cruz-sa-mga-natutunan-niya-sa-maid-in-malacanang-history-is-like-tsismis

https://bandera.inquirer.net/310940/john-arcilla-shookt-din-sa-isyu-ng-majoha-sa-pbb-lutang-ang-isip-ng-kabataan-pagdating-sa-kasaysayan

 

Read more...