KZ Tandingan laging nganga noon sa mga audition, binigyan ng ultimatum ang sarili nang sumali sa ‘X-Factor PH’

KZ Tandingan

SA pagdiriwang ng singer-songwriter na si KZ Tandingan-Monterde ng kanyang 10th anniversary sa showbiz mula nang madiskubre siya sa “The X Factor Philippines” noong 2012, ay ginunita nito ang kanyang mga pinagdaanan.

Base sa panayam ng One Music PH ay inamin niyang madalas siyang ma-reject sa mga sinalihang singing contest kaya binigyan niya ng ultimatum ang sarili na kapag hindi siya nakapasa sa “The X Factor” ay kalilimutan na niya ang pangarap na maging mang-aawit.

“Halos lahat pinag-audition-an ko, pero lagi akong nare-reject. So, nu’ng lumabas ‘yung X-Factor parang paso na ko. Nagkaroon ako ng doubts na baka singing is not for me. Baka I’m not good enough, na baka I’m not better than most to really pursue this career. With the help of my family, with the help of my Dad, nag-decide ako to audition one last time.

“I was supposed to be taking my last few exams before my graduation nu’ng araw ng audition, but I decided to follow my dreams. I did end up taking my exams on a separate schedule na mag-isa.

“It ended up na right decision to give it one last try, to give my dream and myself another chance, to pursue the stars,” pahayag ng Cornerstone gem.

Dagdag pa niya, “Family ko talaga. Sila talaga ‘yung first kong fan base. First people who listened to whatever I had to say, the first to listen to the songs I wanted to put out.

“Sila ang unang naniwala sa kakayahan ko at sa akin, even before I started to believe in myself.  Sa 10 years na itinakbo ng career ko, and sa 10 more na susunod, sila talaga ang constant sa buhay ko. I’m thankful I have a solid support system.

“And now my addition na, because now I have a husband who’s as supportive as my family. Even ‘yung setup ko ng audio ko and everything, siya ang nag-aayos. Sila ‘yung mas naniniwala na to never give up ng pangarap kong ito,” aniya pa.


Nabanggit din ng wifey ng mang-aawit ding si TJ Monterde na kung magkakaroon siya ng superpower ay gusto niya ang teleportation.

“Dati pa lang gusto ko nang makapag-teleport. Dati gusto kong mabasa ang mga isip ng tao, pero eventually na-realize ko na hindi ko pala siya mae-enjoy.

“Teleportation para mas madaling maglagari.  Tsaka lagi na kong kukunin ng mga event producers abroad kasi wala nang babayarang flights. Pero pinaka-main reason ko would be para madali kong mapuntahan ang family ko (nasa Davao),” sabi ni KZ.

At nang mag-asawa na siya ay inamin niyang natakot siya dahil baka hindi na siya suportahan ng fans kasi nga mga seloso sila.

“Actually, nu’ng una I’m going to be honest na may kaba, kasi base sa sinasabi ng mga tao na magbabago ang support ng fans sa ‘yo ‘pag may asawa na, baka hindi ka na pakinggan ng mga bata, parang ganu’n.

“Yung mga thoughts na ‘yun pumapasok talaga sa isip ko in the beginning. But when I decided to get married, I believe I made the perfect decision, lalo na ngayong pandemic na akala ko mahihirapan ako mag-adjust sa mga bagay-bagay, lalo na sa music at career. But ang nangyari, mas lalo akong natulungan ni TJ na ma-push ang sarili ko.

“For example, I’ve always wanted to be in touch with my songwriting. Since TJ is an amazing singer-songwriter, pinush niya ko na every time I feel something na to just write it down na hindi naman kailangang complete song na siya agad.

“During the pandemic, we were able to write about 10 songs na never ko pang nagawa before. Ganun ‘yung effect sa ‘kin ni TJ na walang nagkatotoo sa fears na pinasok ng ibang tao sa utak ko. Bagkus natulungan pa ko ni TJ na maging mas solid na artist. And I believe I’m also a better person because of TJ,” pagmamalaki nito sa asawa.

Sa loob ng 10 taon ni KZ sa industriyang pinasukan ay marami siyang naging achievements tulad ng mga shows sa iba’t ibang bansa, mga awards, at napasama sa popular reality TV singing competition ng China na Singer noong 2018 kung saan naging popular bigla siya sa nasabing bansa dahil sa ipinakita nitong unforgettable performance sa version niya ng “Rolling in the Deep” na may kasamang rap at ang collaboration niya with international producers at artists.

Sa lahat ng nangyari sa buhay ni KZ ay ano ang masasabi niya sa younger self niya, “Don’t be afraid to fight for who you are. Always step out of your comfort zone. Always make sure to take strategic risks, and most importantly, have fun. ‘Di ka habang buhay na bata, so enjoy everything that’s going on sa buhay mo.”

https://bandera.inquirer.net/290813/bakit-ayaw-pang-magkaroon-ng-baby-nina-kz-tandingan-at-tj-monterde

https://bandera.inquirer.net/315931/kz-tandingan-wala-pang-planong-magka-baby-may-panahong-matagal-na-nawawalay-sa-asawa

https://bandera.inquirer.net/309543/kz-tandingan-super-lucky-kay-tj-monterde-may-asawa-na-may-driver-pa-minsan-naaawa-na-rin-ako-sa-kanya-kasi

Read more...