Concert ng The Juans sa Big Dome tuloy na tuloy na: May bida at kontrabida rin sa tema ng show!

The Juans

BONGGA! Tuloy na tuloy na ang pinakaaabangang major concert ng OPM band na The Juans sa Araneta Coliseum ngayong darating na October.

Yes, sa wakas matutupad na rin ang isa sa matagal nang pangarap ng Pinoy pop rock group at tinaguriang Ultimate Hugot Band na makapag-perform sa harap ng kanilang milyun-milyong fans sa Big Dome.

Ito ang ibinandera ng The Juans sa naganap na mediacon last Friday sa SM North Edsa Skydome kung saan for the first makalipas ang halos tatlong taon ay muling humarap sa members ng entertainment press ang grupo.

Isinabay na rin ng The Juans sa kanilang presscon ang kanilang fan event na “JuaNite” sa SM North Edsa Skydome nu’ng araw na yun kaya naman sumugod talaga ang kanilang mga fans para muli silang makita at mapanood up close and personal.

Present at game na game namang sinagot ng mga miyembro ng The Juans ang mga tanong ng media aa pangunguna ng lead vocalist at keyboardist na si Carl Guevarra at ng mga kabanda niyang sina Japs Mendoza, Chael Adriano at RJ Cruz.

“It will be a fusion of film and musical theater, the ultimate. May bida at kontrabida din sa istorya ng concert,” ang pahayag ni Carl.


Sila ang nagpasikat ng hugot song na “Hindi Tayo Pwede” na naging hudyat din ng pag-ariba ng kanilang career sa music industry. Ito ang kantang nagpabago sa kanilang buhay at sa lahat ng mga broken-hearted at nawalan na ng tiwala sa pag-ibig.

“We also want to continue to inspire people with our show. We want to relate and validate feelings of other people because we all felt it, the separation, the heartbreak.

“We want to tell them that after hugot, there is hope and healing,” dagdag ni Carl na nagsimula noon bilang theater actor.

Ang ilan pa sa mga hit songs ng grupo ay ang “Dulo,” “Hatid,” “Teka Muna,” at “Istorya.”

Nakatakdang maganap ang major, major concert ng The Juans sa Araneta Coliseum sa Oct. 23, 2022 mula sa Viva Records at Wish 107.5 FM.

https://bandera.inquirer.net/308002/kris-sa-sobrang-kapayatan-parang-nabugbog-nang-bongga-yung-feeling

https://bandera.inquirer.net/313464/bb-pilipinas-candidates-rumampa-sa-pagbabalik-ng-santacruzan-sa-araneta-herlene-budol-agaw-eksena

https://bandera.inquirer.net/290132/nas-daily-humingi-ng-tulong-sa-filipino-vlogger-para-linisin-ang-pangalan

Read more...