Skusta Clee nag-sorry sa mga kasalanan kay Zeinab Harake: Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa yun…

Skusta Clee at Zienab Harake

INAMIN na ng rapper at songwriter na si Skusta Clee na nagkamali siya at nakagawa ng mga kasalanan sa dati niyang partner na si Zeinab Harake.

Nag-sorry si Skusta kay Zeinab at sa lahat ng mga taong naapektuhan at nasaktan sa mga nagawa niyang sablay sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Ngunit agad na nilinaw ng miyembro ng grupong Ex Battalion na may mga rason daw siya kung bakit niya nagawa ang mga bagay na yun, kabilang na ang “cheating” issue na sinasabi ni Zeinab.

Ayon kay Skusta Clee, pinagsisisihan niya ang mga kasalanang nagawa niya at handa siyang harapin ang mga consequence na maaaring mangyari in the future.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay.


“Sa nanay ng anak ko, siyempre sa anak ko. Lalo sa nanay ng anak ko, nakikita ko na okay na siya ngayon, which is good, mas okay ‘yun. Mas masaya pag mas masaya siya. Mas importante ‘yun. Ako all goods lang ako. Tuloy lang sa buhay,” simulang pahayag ng rapper.

Aniya pa, “Though pinagsisihan ko ‘yung mga naging consequence, pangit din naman talaga ‘yung naging resulta. Tinanggap ko ‘yung mga siyempre naging kapalit.

“Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ayun naman talaga yung dapat mangyari sakin,” dagdag pang paliwanag ng songwriter.

Kasunod nito, sinabi rin ng dating partner ni Zeinab na may mga personal siyang dahilan kung bakit nagawa niya ang naging aksyon niya sa pakikipagrelasyon kay Zeinab.

“Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa ‘yun. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din.”

“Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman yun. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa ‘yun,” paglilinaw pa ni Skusta.

Samantala, may pakiusap naman ang rapper sa lahat ng supporters nila ni Zeinab pati na sa kanilang bashers na walang ginawa kundi ang magpakalat ng hate message.

“Huwag n’yo na siyang stress-in, na ime-mention pa ‘yung about sa amin kasi nai-stress lang din ‘yung isa.

“Huwag na. Move on na tayo guys. Move on na tayo sa bagong kabanata ng buhay natin,” aniya pa.

Dagdag pa ni Skusta, kung hindi man siya naging mabuting partner, naniniwala siya na pwede siyang maging mabuting ama kapag nabigyan ng pagkakataon.

https://bandera.inquirer.net/310900/skusta-clee-nakabuntis-nga-ba-kaya-hiniwalayan-ni-zeinab-harake

https://bandera.inquirer.net/293171/maricel-umaming-napariwara-ang-buhay-masalimuot-madilim-at-mag-isa-ka-lang

https://bandera.inquirer.net/308476/valentine-rosales-nag-sorry-sa-kanyang-controversial-tiktok-video-hindi-po-tama-ang-ginawa-ko

Read more...