Angeline na-shock sa dami ng ipinadalang regalo ni Sarah para kay Baby Sylvio: Si SG talaga hindi yan nakakalimot, sobrang sweet!

Angeline Quinto, Sarah Geronimo at Nonrev Daquina

GULAT na gulat ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto nang matanggap ang sangkatutak na regalong ipinadala ni Sarah Geronimo para sa anak niyang si Baby Sylvio.

Hindi raw kasi nakarating ang Popstar Royalty sa binyag ng anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina nitong nagdaang linggo kaya ipinadala na lang ang sangkakutak na gifts nito para sa bagets.

Sa bago niyang vlog sa YouTube, ipinakita ng biriterang singer ang pagbubukas nila ng mga regalong natanggap ni Baby Sylvio matapos siyang binyagan.

In fairness, halos mapuno ang kanilang mga kuwarto ng gifts mula sa mga ninong at ninang ng sanggol kabilang na nga riyan sina Sarah, Vice Ganda, Erik Santos, K Brosas, Yeng Constantino, Vicki Belo at marami pang iba.

Sa isang bahagi ng vlog, kitang-kita ang pagkabigla ni Angeline sa dami ng ipinadalang regalo ng kaibigan niyang si Sarah na nasa isang malaking lalagyan.

“Ang sweet naman ni SG. Parang madami ‘to, Beb. Sarah, baka naman. Ang daming regalo!” sabi ni Angeline.

“Ang dami nito o, thank you, SG! Thank you, Sars. Si Sarah kasi, kahit di siya nakapunta mga ka-twinkle sa binyag ni Sylvio, alam niyo nag-message naman siya sa akin.

“So sobrang nagte-thank you ako kay SG talaga kasi hindi nakakalimot yang si SG. Lalo na nu’ng kakapanganak ko pa lang.

“Talagang isa siya sa mga taong unang nakatanggap ako ng message. Nangumusta saka nag-congratulate sa paglabas ni Baby Sylvio,” dagdag pa niyang chika.


Matatandaang kinumpirma ni Angeline ang kanyang pagbubuntis sa madlang pipol noong December, 2021 courtesy of her non-showbiz boyfriend na si Nonrev. Nu’ng una ay isinikreto pa ni Angge kung sino ang totoong tatay ng anak pero ipinakilala rin niya ito sa kanyang maternity shoot.

Isinilang ng Kapamilya singer si by Baby Sylvio last April 27.

https://bandera.inquirer.net/316619/angeline-sumabak-agad-sa-trabaho-matapos-manganak-ang-daming-bayarin-at-tutok-talaga-kay-baby-sylvio

https://bandera.inquirer.net/313890/angeline-quinto-may-pa-face-reveal-ni-baby-sylvio-nagulat-sa-natuklasan-sa-partner-na-si-nonrev

https://bandera.inquirer.net/312053/angeline-tinupad-ang-pangakong-isusunod-ang-pangalan-ng-anak-kay-mama-bob-motherhood-unlocked

Read more...