'Scorpio Nights 3' nina Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez mas pasabog ang hubaran at sex scenes | Bandera

‘Scorpio Nights 3’ nina Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez mas pasabog ang hubaran at sex scenes

Ervin Santiago |July 03,2022
facebook
share this

‘Scorpio Nights 3’ nina Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez mas pasabog ang hubaran at sex scenes

Ervin Santiago - July 03, 2022 - 03:42 PM

Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez

MAS matindi, mas kontrobersyal at punumpuno ng pasabog ang third version ng iconic sex-drama film na “Scorpio Nights” mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Ito’y pagbibidahan ng Vivamax bombshell na si Christine Bermas kasama sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron.

Bumida sa unang “Scorpio Nights” sina Anna Marie Gutierrez, Daniel Fernando at Orestes Ojeda habang ang ikalawang version naman nito ay pinagbidahan nina Albert Martinez at Joyce Jimenez.

At dahil sa Vivamax nga mapapanood ang “Scorpio Nights 3” asahan na ang mas matitinding hubaran at sex scenes mula sa mga bida ng pelikula na siguradong ikagugulat daw ng mga manonood.

“Lahat po kasi ng inutos sa akin, ginawa ko. Nagawa ko na rin kasi siya noon, kaya okey lang. Kasi once na tumanggap ka ng ganito, dapat wala kang hesitation, dapat gawin mo lahat, at hindi ka dapat magdalawang-isip.

“Ito kasing 3, parang same sa 1. Pero, parang mas pinalawak lang namin ang story. Ang karakter ko kasi sa ‘Scorpio Nights 3’ bilang si Pinay, isa siyang cam girl, na asawa ni Mark Anthony, na kanang kamay ng mayor.

“Pero may pressure rin talaga sa akin, kasi kapag narinig mo ang Scorpio Nights, markado na sa lahat ng tao. Well, tingnan na lang natin kung hanggang saan ang pinakita ko rito.

“Pero ang masasabi ko lang, kaya kong ibigay ang lahat para sa movie na ito. Basta abangan na lang nila,” pahayag ni Christine nang makachikahan ng entertainment media sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Vivamax.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


Sa tanong kung kakabugin niya sina Anna Marie at Joyce sa new version ng “Scorpio Nights 3″, “Ang masasabi ko lang, ito na talaga ang pinaka-boldest ko! Ito na ang pinaka-sexiest na ginawa ko. Pero, hindi lang naman siya puro hubaran, kundi may story rin naman.”

Naikuwento rin niya ang eksena niya sa movie kung saan hinada niya nang bonggang-bongga si Gold pero panoorin na lang daw ng mga Vivamax subscribers ang ginawa niyang pagpapaligaya sa aktor.

“Hinawakan ko po (yung private part). Nandu’n ako sa character ko, so hindi ko na inisip na ako ‘yon. Basta kung ano lang ang kinailangan sa movie, ginawa ko.

“Hindi naman kailangan na ma-experience ko ‘yon in real life para magawa ko. Kasi, kapag na-feel mo na ang character mo, susunod na lang talaga `yon,” natatawang sabi pa ni Christine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Scorpio Nights 3” sa Vivamax simula sa July 29.

Vivamax star Christine Bermas certified ‘NBSB’, bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19

Christine Bermas pinalitan si AJ Raval sa remake ng ‘Scorpio Nights’: Lahat ng ipagagawa sa akin, kakayanin ko

Bianca sinagot ang tanong na, ‘is sex better with a basketball player or with an artist?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending