Ella Cruz pinagtawanan dahil sa sinabing ‘history is like tsismis’, pinangaralan ni Agot Isidro

Ella Cruz

NAGING laughing stock ang aktres na si Ella Cruz dahil sa sinabi niyang, “History is like tsismis” na ang tinutukoy ay ang pamilya Marcos noong sila pa ang First Family.

May kinalaman ang pahayag na ito ng aktres bilang isa sa cast members ng pelikulang “Maid in Malacañang” produced ng Viva Films at idinirek ni Darryl Yap.  Gagampanan ni Ella ang karakter na Irene Marcos.

Hindi inabutan ni Ella ang pamumuno sa bansang Pilipinas mg dating presidente na si Ferdinand Marcos, Sr. dahil ipinanganak siya taong 1996.

Anyway, pinayuhan ng aktres na si Agot Isidro si Ella sa pamamagitan ng Twitter noong Hulyo 2.

Ang tweet ni Agot na certified Kakampink, “Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako, she really is).

“Next time puwede tayong sumagot ng no comment.

“Again mahal kita.”


May nag-react ding netizen sa viral statement na ito ni Ella. Sabi ni @Flory (Sadgerl era), #JusticeForChadBooc @_ligayaxx.

“Hello Ella Cruz, “I am a history major student and just to clarify, we do not go to our campus or museum just to flock and talk about ‘chismis’. We study really hard everyday thru reading and authenticating data to give the rightful information and preserve history.”

Ang news anchor ng news program na “Frontline sa Umaga” na si Gretchen Ho ay ni-retweet ang report kung saan naka-quote si Ella.

Sabi ni Gretchen, “Facts =/= Opinion.

“My coffee is black = Fact.

“My coffee is bitter = Opinion History.

“Tsismis = Opinion.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ella Cruz tungkol sa samu’t saring reaksyon ng netizens at ng kapwa niya personalidad tungkol sa kontrobersyal niyang pahayag.

Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu

Ella Cruz kinawawa nu’ng high school: Yun ang pinakamagulong parte ng buhay ko

Read more...