Female celeb biglang lumayas sa lock-in shoot kaya nganga ang buong production

Guess, guess, who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

TRULILI kayang hindi natapos ang shooting ng pelikulang pinagbibidahan ng sikat na aktor at aktres sa bandang North dahil nagmaktol daw ang huli?

Kuwento ng aming source, “Si ____ (aktres) nagmaktol kasi gusto nang bumalik ng Manila, hindi na raw niya kaya ang lock-in kasi may ganap pa siya.”

Bago pa tinanggap ng kilalang aktres ang pelikulang kasama ang kilalang aktor ay alam niyang aabutin sila ng ilang linggo dahil lock-in shoot nga.

Ang ipinagtataka ng production staff at ng kilalang aktor ay bakit biglang nagyayang bumalik na ng Maynila si kilalang aktres dahil may commitment daw siya na hindi puwedeng hindi niya siputin.

Tinanong namin ang aming source kung anong nangyari sa shooting, “E, di hindi natapos kasi ilang araw pa ‘yung dapat na bubunuin nila.  Baka itutuloy na lang dito sa Manila, gagawan ng paraan.”

Dagdag pa niya, “Sobrang bait ng producer at inalam niya kung bakit nagyayang umuwi si ____ (kilalang aktres) at nu’ng nalaman niya ang dahilan, e, hindi na siya kumibo, gawan na lang daw ng paraan. Habang nagkukuwento ako sa iyo ngayon ay hindi pa nagre-resume ang shooting.”

Inalam namin ang dahilan ng aktres sa biglaan nitong pagbalik sa Manila at may valid reason naman siya pero hindi rin balido ang rason na hindi niya tinapos ang pelikula dahil commitment niya iyon.

Alam din naman ng management agency niya na may lock-in shoot siya kaya nagtataka kung bakit biglang bumalik.

“E, baka kasi natatakot na bigla na lang siyang hindi pabalikin sa show na kasama siya,” sambit ng aming source.

Kabilang kasi ang kilalang aktres sa isang programa na masasabing malaking tulong ito para sa exposure niya lalo’t ngayon lang siya ulit gumawa ng pelikula makalipas ang matagal na panahon dahil sa pandemya simula 2020.

Kapag hindi raw kasi nagpakita nang matagal ang kilalang aktres sa programa ay posibleng palitan siya lalo’t hindi naman siya ang bida.

https://bandera.inquirer.net/316529/kilalang-aktres-nabuntis-nanganak-noong-kasagsagan-ng-pandemya-na-shock-kami-kung-sino-ang-tatay

https://bandera.inquirer.net/314659/kilalang-aktres-asawang-negosyante-open-relationship-ang-status-pwede-silang-tumikim-ng-ibang-putahe

https://bandera.inquirer.net/305051/carla-wala-nang-suot-na-wedding-ring-sa-bagong-vlog-ibinandera-ang-heart-tattoo

 

Read more...