Direk Quark Henares umalis ng Pinas sa araw ng inagurasyon ni PBBM: Pilipinas we love you, but you’re breaking our hearts…bye for now

Quark Henares at Bianca Yuzon

“PILIPINAS we love you, but you’re breaking our hearts. Bye for now (Philippine Flag emoji).” Ito ang caption ni Direk Quark Henares kasama ang asawang si Bianca Yuzon habang papasok ng Tarmac noong Hunyo 30.

Isinabay ng mag-asawang Quark at Bianca ang pag-alis ng bansa sa mismong araw ng panunumpa ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ginanap sa National Museum.

Certified Kakampink ang mag-asawa at very vocal sila sa pagsuporta sa kandidatura nina dating Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na hindi naman nagsipagwagi.

Walang ibinigay na dahilan si direk Quark kung magtatagal silang mag-asawa sa ibang bansa habang si BBM ang presidente o magbabakasyon lang.

Ang nakuha naming tsika ay sa Singapore mag-oopisina si direk Quark para sa Amazon Prime Video streaming platform na ni-launch noong December, 2016.


Dating producer ng Globe Studios si direk Quark at ang ilan sa mga pelikulang nagawa na co-produced sa iba’t ibang movie outfit ay ang “Goyo: Ang Batang Heneral” (Jerrold Tarog), “Midnight in a Perfect World” (Dodo Dayao), “All of You” (Dan Villegas), “Ang Panahon ng Halimaw” (Lav Diaz), “Motel Acacia” (Bradley Liew), “Kuwaresma” (Erik Matti), “LSS” (Jade Castro), “Dead Kids” (Mikhail Red), “Bird Shot” (Mikhail Red), “Hintayan ng Langit” (Dan Villegas) at “Sunod” (Carlo Ledesma).

Nakabibilib sina direk Quark at Bianca dahil imbes na mag-ingay sila dahil hindi nila type ang bagong pinuno ng bansa ay mas ginusto na lang nilang umalis.

Ganito rin kaya ang drama ng kilalang aktres at asawa nitong may kinalaman din sa showbiz na type rin nilang manirahan sa ibang bansa habang si Bongbong Marcos, ang presidente?

Samantala, marami naman ang nagpakita ng suporta sa mag-asawa.

Sabi ni @Wawi Navarroza, “Sea change and open heart. I’m excited for you and Bianca, Quark! new moon new chapter. Swing by Istanbul soon.”

Sabi ng isa pa nilang kaibigan na si @Therese T. Endriga Wigforss, “I’ll miss bumping into you randomly whenever I come home; so will just have to see you in SG. All our love and safe travels to you and Bianca!”

Sinagot naman ni direk Quark ang tanong ni @KnoxBalbastro kung kailan sila darating sa Singapore, “@Knox Balbastro we’re heeeeeere!”

Sabi naman ni @Knox Balbastro, “Quark Henares welcome to Singapore.”

https://bandera.inquirer.net/314762/bianca-gonzalez-napaiyak-sa-pagtatapos-ng-pbb-10-first-time-kong-maka-experience-ng-ganito

https://bandera.inquirer.net/313912/ang-probinsyano-hindi-na-aabot-sa-7th-anniversary-nagluluksa-sa-pagkawala-ni-lola-flora

https://bandera.inquirer.net/292413/bianca-dumepensa-sa-bashers-ng-pbb-its-not-an-artista-search

Read more...