NANINIWALA si Senator-elect Robin Padilla na ito na ang tamang panahon para linisin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pangalan ng kanilang pamilya.
Ayon sa action star na senador na ngayon, may anim na taon ang bagong-halal na Pangulo ng Pilipinas para mapatunayan sa sambayanang Filipino na hindi nagkamali ang milyun-milyong botante sa pagluklok sa kanya sa puwesto.
Sa isang panayam natanong si Robin kung anu-ano ang mga expectation niya sa Marcos administration.
“Alam ko, batid ko, na gagawin niya ang lahat. Naniniwala ako na gagawin niya lahat para sa bayan natin,” tugon ng actor-politician
“Siyempre ilang dekada rin na dinungisan ang kanilang pangalan. Ito rin ‘yung pagkakataon na kanyang linisin ang kanilang pangalan,” sabi pa ng mister ni Mariel Rodriguez.
Samantala, positibo rin ang pagtanggap ni Robin sa naging desisyon ni Pangulong Bongbong na pamunuan ang Department of Agriculture.
“Yun ang pinakamagandang desisyon na nangyari dito sa bayan na ito.
“Hindi ba tayo nahihiya niyan? Agricultural country tayo pero nag-iimport tayo ng bigas, nag-iimport tayo ng isda. Pambihira,” sabi pa ni Binoe.
Kamakailan, in-announce ni Bongbong Marcos na pansamantala muna niyang pangangasiwaan ang agriculture department sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan.
https://bandera.inquirer.net/287329/roxanne-ipinakita-na-ang-buong-mukha-ni-baby-cinco-sa-madlang-pipol-our-son-at-1-month
https://bandera.inquirer.net/315345/paulo-kay-janine-what-i-like-about-her-is-yung-madali-siyang-patawanin
https://bandera.inquirer.net/310950/alma-concepcion-pinayuhan-si-herlene-budol-para-lumakas-ang-laban-sa-bb-pilipinas-2022