ANG bongga ng multi-chapter film na “Genius Teens” na pinagbibidahan ng 21 kabataang artista at mula sa produksyon ng Utmost Creatives.
Ang “Genius Teens” ay mula sa direksyon ng Italian filmmaker na si Paolo Bertola at kinunan pa sa Hunter Valley, Cabanatuan City.
Dapat pala ay one-season six episode series lamang ang nasabing pelikula na nagtatampok ng local at international actors pero nagdesisyon nga ang producer nito na gawin itong full-length film.
Ayon kay direk Paolo, talagang nagpa-audition sila para sa pelikula kung saan umabot sa 500 teens, kids at adults ang sumubok na makapasok sa kanilang proyekto.
Puro papuri nga ang nasabi ng direktor sa mg kabataang nakatrabaho niya sa pelikula at sana raw ay makagawa pa siya ng mga pelikula with Pinoy actors.
Ang “Genius Teens” ay isang sci-fi action fantasy movie na nagpapakita kung paano pinoproteksiyunan ng mga superhero si Mother Earth.
Ipakikita rin sa pelikula kung paano magpakatao, gayundin ang naggagandahang lugar sa Pilipinas, kultura, family, values, education, at kung paano nadiskubre ng bawat karakter ang kani-kanilang ability at power.
Ang pelikula ay original concept na binuo ng Pinoy, executive producer at writer na si Mario Alaman gayundin ang soundtrack nito. Siya rin ang may-ari ng Utmost Creatives na nag-produce ng “Genius Teens.”
Ang direktor naman nitong Paolo si Bertola ay isa ring VFX designer at may-ari ng Your Post Productions na siya ring humawak ng post-production ng Genius Teens.
Ginanap ang matagumpay na premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 10 noong June 25 na dinaluhan ng members ng cast at production staff.
Kabilang sa cast sina Italian-Filipino actor and director Ruben Maria Soriquez, Dionne Monsanto, Ces Aldaba, Charles Tasker, Don Gordon Bell at Andy Kunz, Boy Laguipo.
Ang mga kabataan namang nagpakitang-gilas sa movie ay sina Ernest “Beaver” Magtalas, Bamboo Bobadilla, Arriane Butch, Princess Lucas, Kimchloie Oquendo, Kyle Espiritu, Jhassy Busran, Erica Corpuz, Ysabella Orandain, Miel Gomez, Denise Macaraeg, Sean Guyamin, Harvey Almoneda, Hyuna Ayreeka, Dasha Cura, Jil Demski, Ricky Oriarte, Alyssa Pardo, Santino Oquendo, Scarlett Pillega, Angel Laco at Dennah Bautista.
Ang “Genius Teens” ay mapapanood sa KTX simula July 15 na mayroong two parts — Heroes and Villains at Dark Encounter. (MVN).
https://bandera.inquirer.net/311966/sb19-mnl48-no-1-top-trending-topic-sa-twitter-nang-pumasok-sa-pbb-house-1948sabahaynikuya-winner
https://bandera.inquirer.net/308002/kris-sa-sobrang-kapayatan-parang-nabugbog-nang-bongga-yung-feeling
https://bandera.inquirer.net/316029/final-5-ng-adult-at-teen-edition-ng-pbb-10-napa-throwback-sa-homecoming-special