Ogie Diaz nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos: Kasama nyo po ako sa magaganda nyong hangarin at adhikain

Ogie Diaz nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos: Kasama nyo po ako sa magaganda nyong hangarin at adhikain
NAGPAKITA ng pagsuporta ang kilalang content creator at talent manager na si Ogie Diaz kay Pangulong Bongbong Marcos matapos itong manumpa bilang presidente ng bansa.

Ang talent manager ay isa sa mga certified kakampink. Very vocal siya rito at siya rin ang nagsilbing host sa mga sorties ni VP Leni Robredo at co-hosts niya sina Mama Loi, Tita Jegs at Dyosa Pockoh na kasama rin niya sa “Showbiz Update” YouTube channel niya.

Nag-post si Ogie sa kanyang Facebook account ng larawan nito bilang 17th President  na binabati niya at nangakong susuportahan niya ito.

Aniya, “Kakampink po ako, pero gusto kong batiin si President-elect Bongbong Marcos. Maaga ang acceptance sa akin (nung May 10 pa) para maaga rin ang pag-move on at pag-move forward.

“Kasama nyo po ako sa magaganda nyong hangarin at adhikain para sa bayan at sambayanan, PBBM.

“Kasama din po ako ng taumbayan sa pagdarasal na sa pamamagitan po ninyo ay matamasa natin ang inyong hangarin na pagkakaisa bukod sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa bayan at bawat Pilipino.

“Makakaasa po kayo na sasaluduhan ko ang bawat tama at nararapat na inyong gagawin at sana ay maging bukas din po ang inyong puso sa pagtanggap ng mga komento, suggestions o payo.

“Para po sa bayan ang aking dasal. At alam ko, kahit ang 31 milyong Pilipinong bumoto ay ganundin.

“Mabuhay po kayo, Pangulong BBM!”

 

 

Marami namang netizens ang natuwa sa pahayag na ito ni Ogie.

Mula kay @Aris Garcia, “Salute to you Ogie Diaz”

Komento ni @Dany Pascual, “Kakampink din ako pero sana nga ay magampanan ni BBM ng mabuti ang lahat ng mga pinangako niya at sumasaludo rin ako sa kanya….”

Gayun din si @Celeste G. Ga, “Me too!!!!kakampink din ako pero wala na tayo choice..to.move on, “

Aminado naman si @ Csyrn Tina na hindi pa siya nakaka-move on, “Ako, it will take time for me to process dahil matagal na akong may trust issues sa mga politiko. I just do hope that this new administration will prove me and everyone who did not vote for their ticket na they are worth trusting for. They deserve this chance, anyway.”

Say naman ni @Cez Gella, “Officially BBM’s 1st day of work begins tomorrow kasi puro handaan pa at party today. So, bukas pa rin ang simula ng exciting part! Ang pagbangon daw natin sa kahirapan! Kaisa ako sa pagbibigay pugay sa lahat ng magagandang mangyayari simula bukas. Bukas na ilabas ang popcorn……nag aabang…..cez.”

Ang ex-PBB housemate nan aka-base na ngayon sa Switzerland na si @Dionne M. Stalder, “Tanggap ko na pero di ko pa rin magets ang alamano.”

Pinuri naman ni @Anton Chivas si Ogie, “Very well said!!! Sana lahat ng kakampink ganyan ang pag iisip! Kumuda tayo pag nagkamali sya pero kung maganda ang magagawa mag pasalamat.”

As of this writing ay umabot sa 1,200 shares ang post na ito ni Ogie at 27,000 likes and hearts.

Related Chika:
Mama Mary nagpakita raw sa dating aktres na si Nina Jose matapos maaksidente sa ‘suob’

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Robin Padilla, Salvador Panelo spotted sa ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine

Read more...