NAIBIGAY na ni Roberta Tamondong sa Pilipinas ang unang panalo sa Miss Eco Teen International pageant, ngunit may inaasam pa rin siyang makamit—ang korona ng Binibining Pilipinas.
“That’s one of my dreams, joining Binibining Pilipinas,” sinabi ni Tamondong sa isang pagtitipon ng midya na ipinatawag ng health and wellness company na ProMedia sa Luxent Hotel sa Quezon City noong Hunyo 28.
Isa siya sa anim na pambato ng kumpanya para sa 2022 Bb. Pilipinas pageant.
Ayon sa tinedyer, hinahangad pa rin niyang maging isang reyna ng Bb. Pilipinas kahit pa may korona na siya mula sa isang pandaigdigang patimpalak sapagkat nais niya pang gamitin ang tinig niya upang ipalaganap ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
“It could really help us Filipino people to really strive and to take care of our environment. I really love taking care of our environment. And if you have the time, sustainable living is really what we need right now. Just small things can really make a big impact,” pinaliwanag ni Tamondong.
“As a beauty queen I can be the voice for the people who deserve to be heard, that climate crisis and even climate change can be relevant. I’m really, really happy and grateful that I’ve been given the chance to speak up on what I believe in,” pagpapatuloy pa ng mag-aaral ng San Beda University.
Kahit 19 taong gulang pa lang siya, maituturing nang isang beterana si Tamondong sapagkat nagsimula siyang rumampa sa entablado noong 15 taong gulang pa lang siya. Nakasali na rin siya sa mga paligsahang saklaw ang buong bansa, ang 2019 Miss Teen Tourism Philippines at 2019 Miss Bikini Philippines kung saan siya hinirang na first runner-up sa dalawang naturang patimpalak.
Ngunit para kay Tamondong, lahat ng entabaldo nakatuon sa pagsampa niya sa Bb. Pilipinas pageant.
Kabilang siya sa 40 kalahok na nagtatagisan para sa apat na korona—Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe, at Bb. Pilipinas Grand International.
Kokoronahan ang mga bagong reyna sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City sa Hulyo 31.
Related Chika:
BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’
SB19, MNL48 No. 1 top trending topic sa Twitter nang pumasok sa PBB house; #1948SaBahayNiKuya winner
BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry