SINO ang nagsasabing laos na si Jay Washington? Pinatunayan ng beteranong manlalaro ng Global-Port na kaya pa niyang makipagsabayan sa bagong henerasyon ng PBA players pati na rin sa mga import nang buhatin niya sa panalo ang kanyang koponan laban sa crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel noong Biyernes.
Kumulekta si Washington ng 30 puntos, 14 rebounds, limang blocks at dalawang assists para pangunahan ang Batang Pier sa 113-106 panalo sa overtime kontra Gin Kings.
Ang panalo ding iyon ang nagtulak sa GlobalPort sa quarterfinal round sa kauna-unahang pagkakataon sa PBA. “Jay-Wash has been struggling our past few games and the way he rose to the challenge is a clear sign of how good a player he is,” sabi ni GlobalPort coach Junel Baculi.
“He didn’t let his recent funk get him down. Instead, he took the challenge by the horn and came out a winner.”