Toni sa pagkanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa inagurasyon ni Bongbong Marcos: I am truly honored and humbled…

Bongbong Marcos, Toni Gonzaga, Sara Duterte at Paul Soriano

FEELING “blessed and honored” ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa pagkakapili sa kanya para kumanta ng “Lupang Hinirang” sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Ayon kay Toni, forever niyang alalahanin habang siya’y nabubuhay ang isa na namang “milestone” na ito sa kanyang buhay at career

“I am truly honored and humbled to be chosen by our new president to sing the national anthem in a very historic event for our country.

“This is a once-in-a-lifetime opportunity that I will forever be grateful for,” ang pahayag ng aktres at solid supporter ni Bongbong Marcos sa panayam ng ABS-CBN.

Bukod kay Toni, kasama rin ang asawa niyang director at producer na si Paul Soriano sa mga celebrities na aktibong sumuporta sa kandidatura ng bagong-halal na pangulo.

“In whatever way and capacity, we will always be there to help him and Tita Liza,” sabi ni Paul na pamangkin ni Liza Araneta Marcos. Pinsan nito ang tatay ni Direk Paul.


Magsisilbing creative consultant si Paul sa inauguration ni BBM bukas na gaganapin sa National Museum kasama ang incoming communications team nito sa pangunguna ni Franz Imperial.

“This will be a solemn and traditional inauguration. It will also be nostalgic,” aniya pa.

“It’s the first ever presidential inauguration I will attend and be part of, so I’m excited! Rain or shine, we will have a new president,” diin ng mister ni Toni.

Magiging bahagi rin ng inagurasyon ang big-band music ni Mel Villena at ang Asosasyon ng Musikang Pinoy (AMP) na magaganap naman sa Palace dinner reception.

Sa pagkakaalam namin, ang barong na isusuot ni Direk Paul ay dinisenyo ni Avel Bacudio habang ang Filipiniana naman ni Toni ay magmumula kay Mark Bumgarner.

Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

Sanya Lopez feeling ‘privileged’ nang maimbitahan sa inagurasyon ni Sara Duterte; tinuksu-tukso kay Sandro Marcos

Gladys Reyes saludo kay Coco Martin: I admire how humble and hardworking he is

Read more...