2 pang miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng COVID-19; concert sa Isabela nakansela

DALAWA pang miyembro ng award-winning OPM group na Ben&Ben ang tinamaan ng COVID-19 kamakailan lamang.

Ito ang dahilan kung bakit nakansela ang concert ng grupo sa Santiago, Isabela na naka-schedule sanang maganap sa July 2.

Nagpositibo sa COVID-19 ang lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at si Toni Muñoz, ang percussionist at vocalist din ng band. Kasalukuyang naka-isolate ang dalawang musikero at nagpapagaling na.

Sa official Twitter page ng Ben&Ben, in-announce ng grupo na  na-reschedule ang show nila sa Isabela sa July 17.

“Hello! We’d like to announce that our July 2 show in Santiago, Isabela has been moved to July 17.

“Paolo Benjamin, one of our lead singers, and Toni Muñoz, our percussionist and vocalist, also tested positive for COVID-19. They are currently isolating and recovering,” ang nakasaad sa opisyal na pahayag ng Ben&Ben.

Nauna rito, nakansela rin ang concert ng Ben&Ben sa Surigao nitong nagdaang Linggo matapos ding tamaan ng COVID-19 ang lead singer nilang si Miguel Benjamin.

“Hello bestie! Ikinalulungkot naming sabihing di kami matutuloy sa show natin sa Surigao this June 26.


“Positive si Migs sa COVID-19. Don’t worry, okay naman kami, pero para sa safety nating lahat, naka-isolate lang muna siya. Pasensya na ulit at ingat pa rin tayo nowadays! Takits!” ang mensahe ng grupo na naka-post sa Twitter.

Last week lamang ay ini-release ng Ben&Ben ang kanilang latest single na “Langyang Pag-Ibig”.
Ilan sa mga hit songs ng grupo ay ang “Leaves,” “Maybe the Night,” “Pagtingin,” “Kathang Isip,” “Lifetime,” at “Upuan.”

Ben&Ben todo papuri sa SB19: Mga totoo silang tao, saludo kami sa inyo!

Robin shookt sa dialogue ng anak na, ‘When I grow up nanay, I am going to have a husband’

Sa wakas, Miss International 2013 Bea Rose Santiago sumailalim na sa kidney transplant

Read more...