Ivana Alawi, Sam Milby naghalikan agad nang bonggang-bongga kahit hindi pa magkakilala

Sam Milby at Ivana Alawi

NAGHALIKAN na sina Sam Milby at Ivana Alawi kahit hindi pa sila nabibigyan ng chance na magkakilala nang bonggang-bongga.

Ito ang naikuwento ng dalawang Kapamilya stars sa nakaraang mediacon ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang “A Family Affair” kung saan makakasama rin nila si Gerald Anderson.

Very open ang sexy star at vlogger sa pagsasabing matagal na niyang crush si Sam at itinuturing niyang dream come true ang pagsasama nila sa isang teleserye.

Chika ni Ivana, “Alam naman niya (Sam), tsaka nasabi ko naman yun sa vlog ko na naging crush ko si Sam. Humahanga pa rin ako sa kanya, kasi he’s a very, very great person.”

Si Sam pa mismo ang nagpaalala kay Ivana na bago pa sila nagtambal sa “A Family Affair”, nagkasama na sila sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon!” na pinagbidahan nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

“Wala, halikan lang yun! Walang line,” mabilis na sabi ni Ivana. Aniya, talagang kissing scene raw agad ang eksena nila ni Sam sa movie kahit hindi pa sila gaanong magkakilala.

“Kasi yung set-up, I wasn’t there. Tapos pagdating ko, sabi sa akin, ‘Hahalikan mo si Sam.’ ‘Ha?!’


“Siyempre pagpunta ko du’n, ‘Hi,’ nag-iisang scene. Di pa kami nai-introduce, we didn’t even get to talk, kiss agad.

“Tapos cut. Kiss ulit, kiss ulit. Sabi ko, ‘Huh! Ang dami naman.’ Tapos after nu’n nakapagkuwentuhan na kami,” pag-alala pa ng dalaga.

Sumingit naman ang direktor ng “A Family Affair” na si Jerome Pobocan at sinabing “achieved na achieved” naman daw ang eksenang yun dahil nagka-moment sila ng super crush niyang si Sam.

Hirit naman ni Ivana, “Yes! Nahalikan ko na si Sam!”

Nauna rito, naikuwento rin ni Sam sa solo mediacon na in-organize ng ABS-CBN nang mag-hiking sila nina Ivana at Gerald kasama ang dalawa pa nilang co-stars sa serye na sina Jake Ejercito at Jameson Blake sa Masungi Georeserve, isang conservation area sa Rizal.

Pambubuking ni Sam kay Ivana, “Don’t make her do hiking. It’s nature. I thought everyone would enjoy. I was wrong.

“Si Ivana, hindi ko alam na ayaw niya kahit anong workout. So she was not…I think deep down inside, we all agree na she really enjoyed.

“Pero yung hitsura niya, ‘Kuya, ilang percentage pa (bago makarating sa tuktok ng bundok)? 75 percent pa?!’ Galit na galit siya,” natatawang kuwento ng boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Dagdag pa ni Sam, “It’s a simple three-hour hike. It’s beautiful, but yeah, she was not happy. She was showing na she was not happy, pero feeling ko nag-enjoy siya.”

Ngunit pagdating naman daw sa pagtatrabaho at pagiging professional, wala siyang masasabi kay Ivana. Talaga raw napakasipag nito, disiplinado at walang kaarte-arte.

“She’s been so easy to work with. She’s a lot of fun. Just be ready yung mga asar na mangyayari,” sabi pa ni Sam.

https://bandera.inquirer.net/306737/gerald-sam-magsasama-sa-seryeng-a-family-affair-si-ivana-nga-ba-ang-napiling-leading-lady
https://bandera.inquirer.net/314159/ivana-alawi-ikinumpara-sa-bulalo-sina-gerald-anderson-at-sam-milby
https://bandera.inquirer.net/285600/gladys-nagpakasal-sa-dyowa-kahit-1-buwan-pa-lang-magkakilala-tinapik-ako-ni-lord-ito-na-siya-na

Read more...