Gary Valenciano naglabas ng music video para sa kanyang awiting ‘Pwede Pang Mangarap’

Very excited na naglabas ng bagong music video si Gary Valenciano para sa kanyang latest original single na “Pwede Pang Mangarap.”

Ang kantang ito ay kanyang nabuo sa tulong ng kanyang team at home record label sa loob ng mahigit tatlong dekada, Universal Records Philippines. Sa title pa lang, mababatid na very positive, uplifting and morale-boosting ang “Pwede Pang Mangarap”, na orihinal na dinedicate ng OPM icon sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya. (WATCH HERE)

Ang music video ay matatawag din na napaka inspiring na father-son tandem, na sakto pa sa Father’s Day ngayong taon dahil ang kanyang anak na si Gabriel Valenciano ang nagdirect nito under Manila Genesis Entertainment and Management. Inc and GV Productions Inc.

Naging maayos din ang audio at lightning sa kanilang shoot sa tulong ng Soundcheck. Suportado rin ng PLDT FOUNDATION and the Association Of Filipino Franchisees Inc. ang production ng music video.

Si Mr. Pure Energy na bagong IDOL Philippines judge rin ngayon ang tinanghal na as MEGA MAGAZINE’s Musical Icon of the Year. Nai-launch niya successfully ang bagong single na ito kamakailan sa ASAP NATIN ‘TO. Bukod pa rito, kakatapos lang din ng kanilang show ni Gab sa Bicol na pinanood ng mahigit 12,000 fans.

Mapapanood na ang music video ng “Pwede Pang Mangarap” sa official Gary Valenciano YouTube channel at pwede ring mai-stream ang single sa inyong mga paboritong digital streaming platforms.

Read more...