Tom Rodriguez naubos daw ang naipong pera sa pagtulong sa mga mahihirap, pero may twist ang kuwento…

Tom Rodriguez at Carla Abellana

“SINO at saan ba galing ‘yang P24 million na ‘yan? Hindi naman totoo?” ang simulang reaksyon ng aming source sa tanong namin sa kanya.

Ang sinasabi niyang P24 milion ay ang mga nasulat at pinag-uusapang kabuuang perang nawala sa aktor na si Tom Rodriguez.

Noong hindi pa nagbibigay ng official statement si Tom na kasalukuyang nasa Amerika kasama ang pamilya ay kumalat na ang balitang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ng asawang si Carla Abellana ay dahil nalimas ang pera nilang dalawa na umabot nga sa P24 million.


May balita ring solong pera ito ni Tom bagay na ikinagalit ni Carla nang maubos dahil sumali siya sa partylist na sa kasamaang-palad ay hindi naman inaprubahan ng Commission on Elections.

Hanggang sa nagbigay na nga ng kanyang panig si Tom nitong Biyernes, Hunyo 17 at inaming naubos ang lahat ng pera niya matapos lokohin ng isang kaibigan.

Aniya, “I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever leave a hand on Carla.”

Walang binanggit ang aktor kung magkano ang nawalang pera sa kanya kaya nagtataka ang aming source kung saan nanggaling ang P24 million.

Ito rin kasi ang naibalita ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” nitong Lunes kasama si Tita Jegs na may naringgan siyang hindi totoong P24 million ang nawalang pera sa aktor.

“Totoo naman ang sinabi ni Ogie, wala talaga, maaari siguro mga P10 million puwede pa. ‘Yang perang ‘yan iniipon niya kasi ipampapagawa sana nila ng bahay nila ni Carla, e, napunta sa wala,” pagtatapat ng aming source.

Tinanong namin kung may pinasukang negosyo ang aktor kaya naubos ang hard earned money niya, “Wala, ‘yan ‘yung sumali sa partylist. E, hindi naman niya linya ‘yan.”

Paano naubos ang pera kung hindi naman natuloy ang partylist na Anak Maharlikang Pilipino kung saan 1st nominee sana ang aktor?

“E, naubos na sa pagtulong-tulong niya. Panay ang labas niya ng pera kasi kailangan sa ganito, sa ganyan, sa gano’n.

“Ipinagkatiwala niya ang pera niya, hindi siya mismo ang nag-aabot doon sa mga taong nangangailangan. And it turned out na hindi naman pala nakararating sa mga taong nangangailangan,” pagtatapat ng aming source.

Iisa ang hamon ng netizens kay Tom, pangalanan kung sino ang taong nanloko sa kanya para magkaalaman na.

“Let’s wait na lang kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw,” sambit ng aming source.

https://bandera.inquirer.net/315280/tom-rodriguez-may-babala-sa-netizens-baka-magulat-kayo-kapag-lumabas-na-ang-lahat-lahat

https://bandera.inquirer.net/304522/aktor-laging-nakatambay-sa-casino-before-midnight-nawawala-siya-after-two-hours-nandoon-na-uli-siya

https://bandera.inquirer.net/306650/direktor-awang-awa-kay-sikat-na-male-celeb-dahil-binu-bully-noon-ng-insecure-na-aktor

Read more...