DENNIS may regalo sa mga beki…handa nang magpakita ng birdie

Manggugulat din daw si Dennis Trillo mamaya sa Cosmo Bash. Napakaganda ng katawan ngayon ni Dennis when we saw him sa press visit ng most talked and most controversial primetime soap in television ngayon na My Husband’s Lover na part ng TeleBabad after Akin Pa Rin Ang Bukas.

Bukod sa intense dieting, gym kete gym si Dennis in time for tonight’s Cosmo Bash of the Year na gaganapin sa World Trade Center B and C halls.

Dennis is part of the 10 centerfolds this year kasama ang kaniyang “bebe” na si Tom Rodriguez. Second time na ito for Dennis na maging part of the centerfold and thus his second time to do the ramp na rin.

The last time, he was more daring in his pictorial noon kung saan isang egg bowl lang ang nakatakip sa kaniya pero come rampa time, naka maong lang naman siya.

Mababaligtad daw tonight dahil kung sa pictorial ay naka-topless lang si Dennis, manggugulat daw siya mamayang gabi sa rampa. Definitely raw underwear siya mamaya but he’s not saying if he will be in briefs or boxer shorts.

Ang promise ni Dennis, manipis daw ang isusuot niya para daw sa mga fans. Kasi nga, his career is now on an all time high once again ironically by playing a gay character in My Husband’s Lover.

Minsan daw, sa dami ng blessings niyang nakukuha lately, napapailing na lang siya. Oo nga pala, kung siya ang tatanungin kung kanino dapat mapunta si Vincent, kay Lally na lang daw.

Ayaw niya raw maging home-wrecker si Eric. Paano na ang character niya kung nagkataon? Pupunta na lang daw sa Canada si Eric kung saan napakaraming cute guys. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Read more...