Kilalang aktres sikreto muna ang pakikipagrelasyon kay male celeb, lagot kapag nalaman ng mga magulang

Guess, guess who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

DAHIL pinagbawalan ng magulang ang isang kilalang aktres na mag-boyfriend ay mukhang inilihim na muna niya ang pakikipagrelasyon sa katrabahong male celebrity.

Magkasama sila sa upcoming action series na malapit nang umere sa kilalang TV network.

Alam naman daw ng magulang ng aktres na nanliligaw sa anak niya ang aktor pero sinabihang itigil muna dahil mga bata pa sila at mag-focus muna sa kanilang mga trabaho.

Walang nagawa ang aktor kundi makipag-compromise sa magulang ng aktres, pero ang totoo ay palihim silang nagkikita ng dalaga.

Tsika ng co-actors ng dalawa sa ginagawang teleserye, sobrang sweet nila at kapag hindi sila magkasama ay talagang walang humpay na video calls ang kanilang drama.

Ang magulang ng aktor ay boto sa aktres kaya ramdam nila ang pagtatago ng dalawa sa kanilang relasyon pero in fairness ay well-guided naman sila.

“Laging binibilinan ng mama niya si ____ (aktor) na maging gentleman at huwag sisirain ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mommy ni _____ (aktres) para wala silang gulo pagdating ng araw,” sabi ng aming source.

Wholesome ang image ng dalawang celebrities kaya kailangan nilang i-maintain iyon na sa tingin namin ay hindi rin naman nila sisirain dahil mas magtatagal at malayo pa ang mararating ng kanilang respective career.

Kaya malaki rin ang tiwala ng magulang ng aktres sa aktor dahil sa binitiwan nitong pangako at higit sa lahat alam nilang disente ang pamilya nito kaya boto rin sila sakaling magkatuluyan na nga ang dalawa.

Pero ang hindi nga nila alam, magdyowa na ang dalawa. Kung kailan sila aamin, yan na lang ang ating hintayin.

https://bandera.inquirer.net/295162/kilalang-male-star-sugatan-na-naman-ang-puso-matapos-maghiwalay-ng-ka-live-in

https://bandera.inquirer.net/306650/direktor-awang-awa-kay-sikat-na-male-celeb-dahil-binu-bully-noon-ng-insecure-na-aktor

https://bandera.inquirer.net/316529/kilalang-aktres-nabuntis-nanganak-noong-kasagsagan-ng-pandemya-na-shock-kami-kung-sino-ang-tatay

Read more...