Cristine sa pagganap bilang Imee Marcos: Ang tindi ng pressure, pinag-aralan ko talaga bawat kilos at salita niya, pati ikot ng mata

Imee Marcos at Cristine Reyes

AMINADO si Cristine Reyes na sobrang malaking pressure sa kanya ang gumanap bilang si Sen. Imee Marcos sa pelikulang “Maid In Malacañang” na ididirek ni Darryl Yap mula sa Viva Films.

Sa nakaraang zoom mediacon ng upcoming movie ng Viva ay maiksi ang buhok ni AA (palayaw ng aktres) bagay na pinuri ni Sen. Imee dahil bumagay talaga sa aktres.

Ani Cristine, “Ang laki ng pressure parang ito ‘yung project ko na mabigat. Ang bigat ng bitbit ko at nu’ng binasa ko ‘yung script talagang minamadali ko ‘yung handler ko, ‘please, please ibigay n’yo na ang script sa akin kasi hindi biro ‘tong gagawin ko, eh.

“Gusto ko talagang ma-settle na ito at nu’ng na-meet ko si Senator Imee Marcos talagang tahimik lang ako (at) pinagmamasdan ko siya bawa’t kilos niya, bawa’t salita niya paano ba siya ‘yung rolling ‘yung ng eyes niya, ay meron din pala siyang ganu’n okay gagawin ko ‘yun.

“As in like very observant ako kasi siya ‘yung gagampanan ko, eh, very challenging for me, super challenging,” pahayag ng aktres.

Totoong nakakakaba ang karakter na gagampanan ni Cristine dahil siya ang magsisilbing storyteller bilang panganay na anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at Ginang Imelda Romualdez Marcos.

Kuwento nga ni direk Daryll, “Four months now we’ve been together (Sen. Imee) and like every week and we are like talking and talking about what’s happening. So, the birth of ‘Maid in Malacañang’ actually is amalgamation of all the question and answer of Daryll to Senator Imee, like, ‘Senator ano bang nangyari no’n? Hindi ba sumama ang loob n’yo? Hindi ba kayo nagalit? O tinraydor kayo ni ganito o anong reaksyon ng pamilya mo?’

“Ang nakikita lang kasi natin is the choreograph disciplined reaction of the first family Marcos. So, pinapakita ro’n sa mga interview nila kunyari may nagkukudeta sa kanila, or may naga-attempt to get the position of the presidency, of course pagharap niyan sa kamera laging sukat ang mga reaksyon nila.


“So, having Manang (Imee), having Senator Imee who is very authentic din pag nagkukuwento, sabi nga ni Cristine may mga roll eyes-roll eyes, so, napaka-comic. Napaka-visual magkuwento ni Sen. Imee,” pahayag ng direktor.

Very accurate raw ang kuwentong ilalahad ni direk Darryl sa pelikula lalo’t si Sen. Imee ang magna-narrate dahil siya talaga ang nakakaalam o naka-witness ng lahat.

“Sabi nga ni late President Marcos si Sen. Imee ang junior niya maybe because panganay kaya kanino ba puwedeng manggaling ‘yung mga kuwentong iyon kundi sa isang Marcos.

“Sabi nga ni Ella (Cruz), Miss Irene Marcos is very tahimik and Bongbong naman is the middle child, of course walang mapagkukunan ng kuwento kundi ‘yung madaldal, laging kasama (ni PFMS) at panganay sa kanilang magkakapatid,” kuwento ng direktor.

Kaya hayan, si direk Daryll na ang nagkuwento ng buong karakter ni Cristine bilang si Sen. Imee.

Ang mga gaganap na kasambahay ng pamilya Marcos sa pelikula ay sina Elizabeth Oropesa bilang si Yaya Lucy, Beverly Salviejo as Yaya Biday at Karla Estrada sa papel na Yaya Santa.

At ang pamilya Marcos ay gagampanan naman nina Cesar Montano as President Ferdinand Marcos Sr., Diego Loyzaga sa papel na Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, Ella Cruz sa role na Irene Marcos, Ruffa Gutierrez bilang Imelda Romualdez Marcos at si Cristine mga as Imee.

https://bandera.inquirer.net/316935/imee-marcos-nangakong-walang-historical-revisionism-na-magaganap-sa-maid-in-malacaang-ni-darryl-yap

https://bandera.inquirer.net/303897/cristine-umiyak-nang-aluking-magbida-sa-project-tungkol-sa-marital-affairs-omg-i-was-shocked

https://bandera.inquirer.net/295961/cristine-reyes-binalikan-ang-trauma-noong-bata-i-want-to-cut-the-curse

Read more...