Betong Sumaya biglang hinarang ng security guard sa GMA 7: Akala niya siguro utility man ako

Michael V at Betong Sumaya

TAWA kami nang tawa sa pa-throwback na kuwento ng Kapuso comedian-TV host na si Betong Sumaya nu’ng minsang harangin siya ng security guard sa GMA 7 building.

Ayon sa komedyante at “Bubble Gang” mainstay, hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Manong guard noong magtungo siya sa GMA compound para sa isa niyang taping.

Pagbabalik-tanaw ng binata, nagulat daw siya nang harangin at hanapan ng ID ng isang guard. Hindi raw kasi ito aware na artista siya ng Kapuso network.

Kuwento ni Betong sa morning show ng GMA na “Mars Pa More,” nangyari ang insidente noong 2019, “Dala ko pa yung damit ko, sabi ko kay Manong guard, ‘Hi, kuya!’ Yung naka-smile ka talaga.

“Sabi niya sa akin, ‘ID mo?'” natatawa pang chika ng komedyante. “Siyempre nagulat ako kasi wala namang ID na ibinibigay o iniisyu ang network sa mga artista o talents.”

Sey ni Betong nahihiya naman daw siyang sabihin sa guard na artista siya ng GMA. Buti na lang daw may dumating na isa pang guard na  nagsabi sa kasamahan niyang sekyu na artista nga siya.


Pero kahit daw nakapasok na siya sa building, sinundan pa rin siya ng tingin ng security guard na parang hindi pa rin makapaniwala na artista siya.

“Akala niya siguro utility (man) ako o ano,” sey pa ni Betong.

Pero sa ngayon, kuwento ni Betong magkaibigan na raw sila ng nasabing guard at nagkapaliwanagan na about their past.

Sa katunayan, may  video pa sila na magkasama kung saan nagso-sorry si Manong guard sa kanya at sa nangyaring insidente.

Betong pinaiyak ni Alden habang nagla-live selling: Akala ko may nagti-trip lang sa ‘kin!

Nalaglag na pera ni Jerald Napoles isinauli ng security guard: Grabe, mini heart attack!

Gerald Anderson nagpaabot ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette

Read more...