Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Rita Daniela at Ken Chan

“NANDITO lang ako para sa ‘yo kahit ano pa ang mangyari.” Ito ang bahagi ng mensahe ng Kapuso actor at TV host na si Ken Chan para sa dating ka-loveteam na si Rita Daniela.

Tinuldukan na ng binata ang mga haka-haka na magkaaway at nagdededmahan sila ngayon ni Rita na isa raw sa mga dahilan kung bakit biglang nabuwag ang kanilang tambalan sa GMA 7.

Ginulat ng Kapuso actress-singer kahapon ang publiko nang ibandera niya ang kanyang pagdadalang-tao sa episode kahapon, June 26, ng weekly musical-comedy show na “All-Out Sundays”.

Sa kanyang Twitter at Instagram account, nag-post si Ken kagabi ng madamdaming mensahe para kay Rita kung saan nangako siyang susuportahan ang kaibigan sa bagong journey nito sa buhay.

“Miracles are worth their weight in gold, if not many times more.

“I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on.

“I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.

“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what,” pahayag ni Ken.
Dagdag pa ng binata, “You’ve always been incredible and strong, and certainly, You.

“You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always. I am so proud of you @missritadaniela,” sabi pa ng aktor.


Sa lahat naman ng nagtatanong, hindi si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita. Marami kasi ang nag-congratulate sa binata sa pag-aakalang siya ang tatay ng magiging anak ng dating ka-loveteam.
Sa naging announcement ni Rita, wala siyang binanggit kung sino ang ama ng kanyang magiging panganay na anak.

“I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just…naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.

“Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me.

“Akalain mo yung, di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.

“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,”
ang umiiyak na pahayag ni Rita sa “All-Out Sundays.”


https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan

https://bandera.inquirer.net/288084/ken-rita-napagkakamalang-tunay-na-mag-asawa-malalim-na-ang-relasyon-namin
https://bandera.inquirer.net/314470/ken-chan-itinangging-pinaparinggan-si-rita-daniela-inaming-maayos-ang-kanilang-relasyon

Read more...