Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

Dennis Padilla, Julia Barretto at Leon Barretto

AGAD na humingi ng paumanhin ang veteran comedian na si Dennis Padilla sa kanyang anak na si Leon Barretto matapos itong maglabas ng open letter sa Instagram kahapon.

Maraming nag-react sa naging pasabog na mensahe ni Leon para sa kanyang ama bilang sagot sa ipinost nito sa social media noong nagdaang selebrasyon ng Father’s Day.

Naglabas kasi ng saloobin ang komedyante patungkol sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto matapos daw makalimutan ng mga ito na batiin siya nu’ng mismong Araw ng mga Ama.

Pero aniya, sa kabila nito, mahal na mahal pa rin niya ang mga anak at umaasa siya na darating din ang araw na magkikita at magkakasama silang muli.

Dahil dito, naging nega na naman sa publiko ang mga anak ni Marjorie, lalo na si Julia Barretto. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng netizens laban sa magkakapatid at naawa naman sila sa sitwasyon ni Dennis.

Sa kanyang Instagram, nag-post ang beteranong komedyante ng mensahe para kay Leon matapos mabasa ang open letter ng anak na viral na ngayon sa social media.

“I am sorry Leon… Miss ko lang kyo. God bless you more. Just want to know what false narrative i said in public?

“I been reaching out to all of you for 15 years in private…” ang maikling pahayag ni Dennis para kay Leon.

Ramdam na ramdam ng mga IG followers ni Leon ang sama ng loob ng binata sa ama kaya naman napunta na sa kanilang magkakapatid ang simpatya ng mga tao.


Narito ang ilang bahagi ng liham ng binata para kay Dennis, “It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy father’s Day’.

“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media.

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?

“Do you think it does not pain all of us not to feel protected by their own father?

“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.

“Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa.”

“For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they explain their side nor speak negatively about you in public.

“It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters.

“I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa,” sabi pa ni Leon.

https://bandera.inquirer.net/287564/bea-may-love-letter-para-sa-fans-change-is-always-scary-but-it-can-also-be-beautiful

https://bandera.inquirer.net/289430/yam-concepcion-naglabas-ng-open-letter-para-sa-pamilya-ng-asawang-si-miguel-cuunjieng

https://bandera.inquirer.net/299556/paghuhubad-ni-kylie-sa-pelikula-bina-bash-im-an-actress-at-meron-pa-akong-pwedeng-ipakita

Read more...