PNoy, tunay na lalaki

BUMALIK na sa Malakanyang ang Pangulong Noy.

Ibig sabihin, kontrolado na ng mga government troops ang sitwasyon sa Zamboanga City.

Kung ang sitwasyon ay kritikal pa, hindi sana umalis si P-Noy sa lungsod na tinagurian noon na “city of flowers.”

Hindi ako tagahanga ni P-Noy noon, pero nagbago ang pagtingin ko sa kanya dahil sa ipinakita niyang leadership sa krisis sa Zamboanga City.

Sa halip na abangan ang mga reports galing sa Zamboanga sa kaligtasan ng loob ng Palasyo, isinuong ng Pangulo ang kanyang buhay sa panganib nang magpunta siya mismo sa pinangyarihan ng bakbakan.

Maraming nagsasabi kahibangan ang ginawa ng Pangulo, pero sa ganang akin ay ipinakita niya sa sambayanan na nandiyan siya at maaasahan sa oras ng kagipitan.

Si Simeon Benigno C. Aquino ay isang tunay na lalaki.

Ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front—Nur Misuari faction— na lumusob sa Zamboanga City ay confined na lang sa maliit na lugar sa lungsod.

Marami nang napatay sa kanila.

Ang kakaunting mga rebelde na natitira ay nagtatago sa mga kabahayan na parang mga daga sa lungga.

Ang dahilan na hindi masalakay ng government forces ang mga natitirang rebelde ay sa takot na baka tamaan ang mga sibilyan na ginagawa nilang mga panangga.

“Tire out those rats so that they will come out of the rat holes for easy picking”—ito marahil ang strategy na ginagawa ng Armed Forces of the Philippines sa mga muklô.

Isang kaibigan kong mapagbiro ang nagbibigay ng suhestiyon na sa halip na bomba ay hulugan ang mga rebelde ng tone-toneladang adobong baboy na bagong luto at mainit na galing sa mga helicopter.

Sa gayon ay makakakain ang mga Kristiyanong kanilang mga bihag samantalang nagsusuka naman sila.

Hindi kumakain ng karneng baboy ang mga Moro.

Hinahanda ng mga prosecutors ng Department of Justice ang mga kasong isasampa kay Nur Misuari.

Nagpadala ang DOJ ng ilan pang prosecutors sa Zamboanga City upang tumulong sa paghahanda ng kaso laban kay Misuari at kanyang mga galamay na sumali sa pagsalakay sa Zamboanga City.

Kapag naisampa ng gobyerno ang kasong rebellion laban kay Misuari at kanyang mga alipores, sana naman ay huwag nang mag-alinlangan ang gobyerno ni Pangulong Noy na pasukin ang mga teritoryo na hawak ni Misuari sa Sulu.

Kung kinakailangang lusubin ang mga kampo ng MNLF ay dapat gawin upang maipakita sa sambayanan na hindi natatakot ang gobyerno sa mga rebeldeng Moro.

Kaya tumatapang ang mga Moro ay dahil pinababayaan ng gobyerno na magkaroon sila ng teritoryo na hindi pinapasok ng mga alagad ng batas.

Puwes, kapag naisyuhan na si Misuari at kanyang mga alipores ng warrant of arrest kailangang pasukin ng mga pulis at militar ang mga lungga na kanilang pinagtataguan!

Akala kasi ng mga Moro na dahil pinababayaan sila sa kanilang kampo ay duwag ang gobyerno.

Dapat baguhin na ng mga Moro ang kanilang pagtingin sa gobyerno. Dapat na nilang katakutan ang gobyerno at hindi pinagtatawanan.

Ang pangalan ng bansa noong panahon na sakop pa tayo ng mga Kano ay Philippine Islands o P.I.

Naging RP o Republic of the Philippines nang tayo’y nagtamo ng kalayaan.

Bakit di na lang natin palitan ang pangalan sa Babuyan Islands.

Bagay sa atin ang Babuyan Islands dahil sa pork barrel scandal.

Read more...