KRIS: Walang diva katrabaho, kaya walang masasamang ugali na nakukuha si BIMBY!

HIHINTAYIN muna ni Kris Aquino kung ano ang magiging resulta sa takilya ng unang pelikula ni Bimby na “My Little Bossings” bago siya magdesisyon kung tatanggap sila ng solo TV show para sa kanyang bunsong anak tulad nga ng programa ni Ryzza Mae Dizon sa GMA 7.

Ayon kay Kris, hindi lang naman  kasi siya ang magde-decide ng tungkol sa bagay na ito, kundi pati na rin siyempre si Bimby, “You know, it’s up to him, kasi ayokong sabihin niya na masyado ko siyang pinagod.

“So far, I want to see if he’ll really enjoy it, and I want to see also kung ano yung reception na ibibigay ng mga tao, and we’ll see where it goes from there,” ang pahayag ng Queen of all Media sa isang interview kamakailan.

Actually, sa pagkakaalam namin, matagal nang may offer ang ABS-CBN, partikular na ang Dreamscape Productions nina Deo Endrinal, kay Bimby, una na nga diyan ang pagbibida nito sa isang season ng Wansapanataym, pero hindi pa rin makasagot si Kris tungkol dito hanggang ngayon.

Samantala, bilib na bilib talaga si Kris sa partner ni Bimby sa “My Little Bossings” na si Ryzza Mae, seryoso raw kasi ito sa kanyang trabaho, kaya naman pati si Bimby ay nahahawa sa pagiging professional ni Aling Maliit.

“Cute lang talaga. He’s six, she’s eight. You’ll never capture this moment, na napaka-special ng moments na ‘to. And I love her and Bimbs loves her…at pati yung mom niya, kasundong-kasundo ko, so nage-enjoy kami talaga,” chika pa ng TV host-actress nang mainterbyu ng ilang members ng media sa isang event.

At bukod nga sa pag-aartista, very proud mommy din si Kris dahil napakaraming extra-curricular activities ng anak, parang hindi raw ito napapagod, “I’m so proud he made it to the taekwondo team, and he’s also in the swim team, and he’s also in the song-and-dance na ano. Marami siyang after-school activities.

Nagpapasalamat si Kris kina Ryzza Mae at Vic Sotto na isa rin sa mga bida ng “My Little Bossings” na isa nga sa entry sa MMFF 2013 sa December, dahil sa magandang impluwensiya ng mga ito sa bunsong anak, “I’m just so happy with his decision na ang nakatrabaho niya, somebody as grounded and as kind-hearted as Ryzza and Vic, na walang diva katrabaho, so walang masasamang ugaling makukuha.”

( Photo credit to Google )

Read more...