MATAPOS ang pag-amin sa kung ano nga ba ang kanyang gender preference, proud na nagkuwento si Raymond Gutierrez ukol sa kanyang kasalukuyang boyfriend.
Sa naging vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan nag-guest ang kambal ni Richard ay mas naging bukas ito sa ilan pang detalye ukol sa mystery guy na nagpapatibok ng kanyang puso.
“We’re in a different worlds. He’s in the world of law and I’m in entertainment,” pagbabahagi ni Raymond.
Matatandaang ayon sa naunang pahayag ng model-actor, nasa Los Angeles naka-base ang kanyang dyowa at doon niya ito nakilala nang tumira siya sa ibang bansa noong kasagsagan ng pandemya.
Pagkukwento pa niya, marami daw siyang natutunang sa naging kontrobersyal na court case nina Amber Heard at Johnny Depp dahil na rin sa kasintahan.
“I was talking to him about it. I was, like, ‘I’m learning so much about your industry watching this trial,'” pagpapatuloy ni Raymond.
Nang tanungin naman siya ng beauty doktor kung paano nga ba sila nagkakilala, inamin niya na random lang ng kanilang pagtatagpo.
“We met at a dinner. It was just random. We had a common friend who’s visiting from Miami so that friend hosted a dinner and we just happened to sit beside each other,” sabi ni Raymond.
Aniya, agad na nagkaroon ng attraction sa pagitan nilang dalawa.
“I think we had chemistry and, like, you know, the connection was there and that’s not something that you get that quickly and that feeling, you don’t really get it so fast.
“And I’ve met a lot of amazing guys in L.A. but that instant connection was not there, and I think that’s why I stayed single for so long,” sey ni Raymond.
Aniya, ang hanap na raw kasi niya ay yung seryosong relasyon.
“It’s because that’s what I’m looking for… the ease, like, no games. No, like, chasing.
“It kind of just like all fell into the right place and that’s what the same advice that George [Georgina Wilson] gave me. She’s like, ‘When it feels right, you’ll know it’,” chika ni Raymond.
Nagbigay naman siya ng payo sa mga taong takot pang aminin o ilantad ang kanilang tunay na gender preference at sinabing willing siyang tumulong sa mga ito.
“You have to really seek out and open up, and you’ll be surprised that the people that love you will not change the way they feel about you just because you are part of the LGBTQ community.
“For me, if I can do it so can you guys and if you need the support, I am just here so DM [direct message] me,” sey ni Raymond.
Related Chika:
Raymond ibinandera ang pagiging proud LGBTQ member; umaming biktima rin ng pambu-bully sa showbiz
Raymond umaming beki para na rin sa mga biktima ng pambu-bully, diskriminasyon sa LGBTQ community
Raymond Gutierrez happy ang lovelife, aminadong in a relationship na