Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

MULI na namang nagpatutsada ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ukol sa mga taong may utang sa kanya.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa taong hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad ng hiniram na pera sa kanya.

“Good morning! Pwera sa mga hindi marunong magbayad ng utang, pero nagpo-post ng mga luho!” diretsahang sagot ni Ogie.

Hindi naman niya pinangalanan kung sino ang pinapatamaan niya kaya hindi matukoh kung artista nga ba ito o kakilala lamang niya.

Isa si Ogie sa mga taong lapitin ng mga taong hindi agad nagbabayad ng utang na madalas rin niyang maging rant sa social media maski sa mga nagiging vlog niya.

Mukha namang mabait at madaling mapakiusapan ang talent manager sa mga nagkakautang sa kanya basta susunod sa napag-usapan ngunit madalas ata ay napapako ang mga pangako sa kanya.

Hindi naman masisiso si Ogie dahil pinaghirapan rin naman niya ang mga perang ipinangutang nito sa ibang tao at dapat lang na singilin niya ito kahit pa mukhang hindi niya kailangan.

Isa nga sa mga nagkakautang sa kanya ay kasalukuyang nahuli na ng mga pulis ay ang asawa ng basketball player na si Terence Romeo.

Noong una ay bina-blind item niya lang ito hanggang sa napabalitang nahuli na ito dahil marami na rin itong mga pinagtataguan at may mga na-scam rin daw ito.

Doon na niya ini-reveal na maging siya ay naging biktima nito at imbes nga na masingil niya ay gumastos pa siya dahil ang akala niyang lupa na ibabayad sana sa kanya ay hindi naman pala true.

Related Chika:
Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

Read more...