RAYMART pinahalughog ang kwarto ni CLAUDINE para taniman ng droga?

May mga bago na namang kasong ibinibintang si Claudine Barretto kay Raymart Santiago ngayon. May kinalaman ‘yun sa diumano’y pagpunta ng aktor sa kanilang bahay para lang utusan ang kanilang mga kasambahay na halughugin ang kuwarto du’n na madalas na pinaglalagyan ni Claudine ng kanyang mga kagamitan.

Ayon kay Claudine ay meron pa raw ipinalalagay na kung ano-ano du’n si Raymart, may binanggit pa silang substance ng kanyang abogado, pero pinabubulaanan ng aktor ang pinakahuling bintang ng kanyang misis.

Mula sa kampo ni Raymart ay lumabas ang paliwanag na buwan pa ng Marso umalis sa kanilang tahanan si Raymart, bumalik siya nu’ng June para makita ang kanyang mga anak, mula nu’n ay hindi na ito bumalik pa sa bahay nila ni Claudine.

“Paano nangyari ang sinasabi ngayon ni Claudine na nu’ng August daw nagpunta du’n si Raymart? Kahit pa mag-check sila sa guard house, e, mapapahiya lang sila, dahil hindi naman talaga nagpunta du’n si Raymart last August!

“March pa, wala na siya sa house nila ni Claudine, once lang nagbalik du’n si Raymart, nu’ng June lang, kaya paano nangyari ‘yung mga ibinibintang ngayon ni Claudine na father ng mga anak niya?” pangunguwestiyon ng isang taong malapit kay Raymart.

‘Yung sinasabi naman nilang substance ng kanyang abogado ay naging malabo para sa ating mga kababayan. Droga raw ba ang substance na sinasabi nila?

Ang bulto ng pagpapatunay na nagpunta nga sa kanilang bahay si Raymart ay nasa mga balikat na ngayon ni Claudine. Siya ang kailangang maglabas ng mga pruweba na totoo nga ang kanyang mga sinasabi.

Hindi si Raymart ang kailangang magpatunay na walang katotohanan ang kuwento ng kanyang misis, si Claudine Barretto ang kailangang maging abala sa paglalabas ng mga ebidensiya na totoo ‘yun, kaya may bago na namang pagkakaabalahan ngayon si Claudine Barretto.

Parang wala na yatang katapusan ang pagkakasuhang ito ng magkaalitang mag-asawa.

( Photo credit to Google )

Read more...