PROUD na ipinakita ng Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa unang pagkakataon ang itsuta ng kanilang baby girl.
Isang araw matapos ang selebrasyon ng Father’s Day, in-upload ng Kapuso actress sa kanyang YouTube channel ang ilan sa mga snippets ng kanyang pagkaka-admit sa ospital hanggang sa pagkaka-discharge.
Matatandaan na dapat ay magpapa-check up lamang si Jennylyn nang bumisita sila sa ospital noong April 25 ngunit nabigla siya nang kinakailangan na niyang ilabas si Baby D gayong May 5 pa ang inaasahan nilang petsa ng panganganak.
Ilang oras bago ang pangangak ng aktres ay kita ang pag-aalala ng dalawa sa isa’t isa.
Matapos ang panganganak ay excited na si Dennis na makita ang kanyang mag-ina na ma-release sa delivery room.
Tatlong araw ring nanatili sina Jennylyn sa ospital bago tuluyang ma-discharge.
Kasabay ng pa-face reveal ng mag-asawa sa kanilang baby girl ay ang pa-reveal rin nito ng kanyang pangalan.
“Ngayon ang aming last day. Ready na kaming lahat for discharge at uuwi na kami. Excited na kami na makita ni Dylan ‘yung kwarto niya,” saad ni Dennis sa vlog.
Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Jennylyn na finally ay nagdadalangtao na siya sa kanilang panganay ni Dennis.
Nobyembre 2021, isang buwan matapos ang anunsyo nila ng pagbubuntis ng Kapuso actress ay ang pagpapakasal naman nilang dalawa pati na rin ng gender reveal.
Super happy nga ang dalawa matapos malaman na isang baby girl ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya dahil ito talaga ang pinapanalangin nila.
Parehas na kasi silang may anak na lalaki sa kanilang mga naunang karelasyon. Si Alex Jazz na anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia at si Calix Andreas na anak ni Dennis kay Carlene Aguilar.
Unang ibinahagi nina Dennis at Jennylyn ang balita ukol sa kanyang panganganak noong May 1.
Related Chika:
Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na!
Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak
Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy