Rabiya Mateo binigyan ng tribute ang inang single mother sa pagse-celebrate ng Father’s Day; tinuruang huwag manggamit ng kapwa

Rabiya Mateo at Christine Mateo

MARAMING naantig at na-inspire sa ginawang pagbati ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang ina nitong nagdaang Father’s Day.

Kung ang lahat ng Pinoy ay nag-post ng kanilang Father’s Day greeting sa social media para sa kanilang pinakamamahal na mga tatay, ang kanyang inang single mother naman na si Christine Mateo ang binigyan ng tribute ng beauty queen turned actress.

Sa kanyang mensahe, muling pinasalamatan ng Kapuso star ang pinakamamahal na ina sa lahat ng sakripisyong ginawa nito para sa kanilang pamilya.

Kalakip ang litrato nilang mag-ina, narito ang inilagay niyang caption sa kanyang Instagram post, “Happy Father’s Day, Mama! Thank you for all the sacrifices.

“How I wish I can be half the woman that you are in terms of wisdom, maturity, and mental prowess,” ani Rabiya.

Pagpapatuloy pa niya, “The more I meet people in life, the more I appreciate your lectures and teaching.

“Pinaka ‘di ko malilimutan ‘yung sinabi mo na, ‘Okay lang na mahirap tayo basta walang ginagamit at inaapakan na tao,'” lahad pa ng dalaga.


Ipinagdarasal din daw niya lagi sa Panginoon na bigyan pa ng mahabang buhay ang ina, “So I can give you all the good things you deserve.”

Binati at pinasalamatan din niya ang lahat ng single mother sa buong mundo, “Happy Father’s day to all the single Mom who chose to nurture and provide for their family! Mabuhay kayong lahat!”

Sa isang panayam, sinabi ni Rabiya na ang kanyang ama na isang Indian national, ay umalis sa Pilipinas at nagtungo sa Amerika noong bata pa siya at hindi na kailanman nagpakita sa kanila ng kanyang ina.

Sinubukan niyang hanapin ang tatay niya sa US matapos siyang lumaban sa 69th Miss Universe pero wala ring nangyari.

Aniya, ayaw na niyang mag-effort sa paghahanap sa ama dahil baka raw hindi pa ito handang makipagkita sa kanya.

https://bandera.inquirer.net/286653/kris-may-hugot-ngayong-fathers-day-mahirap-daw-pantayan-yung-na-provide-ko-sa-2-anak-ko

https://bandera.inquirer.net/286650/celebrity-moms-proud-na-ibinandera-ang-tatay-ng-mga-anak-ngayong-fathers-day

https://bandera.inquirer.net/316305/derek-na-touch-sa-fathers-day-message-ni-ellen-i-promise-you-can-chill-for-the-rest-of-your-life

Read more...