“NANGHINA yung tuhod ko tapos iyak ako nang iyak,” ang bahagi ng kuwento ng dating child star na si Bugoy Cariño noong malaman niyang isinilang na ang kanyang panganay na anak.
Nanginginig at hindi raw talaga siya nakapagsalita nang ibalita sa kanya ng ina na nanganak na ang partner niyang volleyball player na si EJ Laure dalawang taon na ngayon ang nakararaan.
Ito raw yung panahong bumandera na ang balita na kabuntis nga siya sa edad na 16 kung saan umani ng batikos sa social media ang relasyon nila ni EJ na agad nagbunga ng babaeng sanggol.
May mga nagsabing dapat daw kasuhan ng kampo ni Bugoy si EJ (na 21 years na noon) dahil nga menor de edad pa that time si Bugoy.
Ngunit sa Father’s Day vlog ni Karen Davila, sinabi ng young actor na kahit minor siya noon hindi siya natakot sa responsibilidad ng pagiging tatay at never niyang naisip na kasuhan si EJ.
“Hindi po ako natatakot kahit menor de edad po ako. Nakikita ko nga po yung sinasabi ng tao na dapat kasuhan po si EJ kasi nga minor ako. E, hindi naman po sila yung magkakaso, dapat ako yung magkakaso kay EJ kasi ako yung minor.
“E, pinili ko po na gusto kong maging masaya na lang, e. Gusto ko na maging parte ng buhay ko si EJ, so hindi ko ginawa na kasuhan siya kasi kung kakasuhan ko siya dapat matagal na.
“Ito po yung choice ko, e. Sobrang mahal ko po si EJ. Ito yung choice ko na bakit ko siya kakasuhan, e, may anak kami, paano kapag kinasuhan ko siya?” paliwang ni Bugoy.
Aniya pa, “Sinasabi ng tao na bakit si EJ, hindi niya ako pinipigilan kasi nga minor pa ako. Hindi po ako masisisi ng tao, hindi rin po masisisi si EJ ng tao kung bakit. ’Uy, bakit hindi niyo pigilan yung sarili niyo, bata pa yan?’
“Kasi ako po yung talagang may gusto kay EJ, so, sabi ko sa kanya, ‘Huwag mo na pansinin iyan. Pagdating ng panahon, wala na iyan, e. Mababago rin yung isip nila,’” mariing sabi ng batambatang ama.
Samantala, naikuwento rin ni Bugoy ang naging reaksyon niya nang manganak na si EJ sa ospital at wala siya sa tabi ng kasintahan.
“Wala po ako, nagtatago po kami. Ang nangyari po, bumibili ako ng needs ni baby at saka needs ni EJ pagkapanganak.
“Sobrang kabado po talaga ako, as in, kasi ina-update ako ng nanay ni EJ, kasi si EJ papunta na sa ganito, manganganak na.
“Yung pushcart, tinutulak ko, nanginginig ako. ‘Tapos, hinang-hina yung tuhod ko, hindi talaga ako maka-focus.
“Sabi ko, hindi ko alam yung bibilhin ko, hindi ko alam kung diaper, dede, hindi ko alam. ‘Tapos, pray ako nang pray,” pagbabahagi ng aktor.
Kasunod nito, ipinadala sa cellphone niya ng nanay ni EJ ang picture ng bagong-silang niyang baby.
“Sakto palabas na ako noon sa pinagbilhan namin sa grocery, napahinto ako sa may exit, napaupo ako du’n sa may exit.
“Nanghina yung tuhod ko ‘tapos iyak ako ng iyak, ‘tapos yung mga kasama ko, ‘Bakit? Bakit?’
“Tapos, ipinakita ko yung picture. Sabi ko, salamat talaga, Lord. Okay na ako, panibagong buhay na, lahat ng mga negative, wala na, panibagong chapter. Sobrang saya ko talaga,” kuwento pa ng dating “Goin’ Bulilit”star.
https://bandera.inquirer.net/316288/bugoy-cario-umaming-binalak-ipalaglag-ang-anak-masakit-din-na-nung-naging-tatay-ako-yung-family-ko-hindi-ko-na-natutulungan
https://bandera.inquirer.net/297167/dyowa-ni-bugoy-nilait-sa-panahon-ngayon-hindi-mo-kailangang-nagdyowa-ng-may-itsura-at-malaking-cocomelon
https://bandera.inquirer.net/316311/bugoy-cario-hindi-tinanggap-ang-tulong-para-sa-panganganak-ni-ej-laure-ako-yung-tatay-lalaki-ako-dapat-ako-yung-magbabayad