Derek na-touch sa Father’s Day message ni Ellen: I promise you can chill for the rest of your life

Ellen Adarna at Derek Ramsay

HINDI rin nagpatalbog si Ellen Adarna sa pagbati ng Father’s Day sa kanyang husband na si Derek Ramsay.

Idinaan din ng celebrity mom at dating sexy star ang kanyang pagbati kay Derek ng “Happy Father’s Day” ngayong araw, June 19, sa social media.

Sa Instagram, nagbahagi si Ellen ng ilang litrato ni Derek na kuha sa kanilang wedding day at sa ilang kaganapan sa pang-araw-araw nilang buhay bilang married couple.

May ipinost din siyang mga litrato kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto habang naglalaro at nagkukulitan sa kanilang bonding moments bilang “mag-ama.”


“Happy fathers to the love of my life, to the guy who makes me laugh all the time, my always and forever overgrown muscular toddler,” ang bahagi ng isinulat na caption ni Ellen na nilakipan pa ng laughing emoji.

Nag-reply naman agad si Derek sa comment section ng IG post ng kanyang misis kung saan pinasalamatan niya ito nang bonggang-bongga sa ibinibigay na pagmamahal sa kanya.

“You are the love of my life. I thought I (knew) what love is until I met you. Thank you for loving me. I promise you can chill for the rest of your life,” mensahe ni Derek na sinundan pa ng apat na red heart emojis.

Noong magdiwang naman ng kaarawan si Ellen ay may emosyonal namang pagbati sa kanya si Derek, “Happy happy birthday, my love. So much has happened in one year and it seems to have gone by so fast.

“Love, I can’t imagine a life without you and Elias. Thank you for coming into my life. I love you more than you can ever imagine,” aniya pa.

Nauna rito, binati rin ng hunk actor ang asawa sa first anniversary ng marriage proposal niya sa aktres, “Exactly one year ago I made the best decision of my life. I love you, @maria.elena.adarna.”

https://bandera.inquirer.net/296262/kim-angel-anne-bea-ogie-super-happy-sa-bonggang-lovelife-ni-kris-you-deserve-it

https://bandera.inquirer.net/295547/rico-blanco-chill-lang-sa-pang-ookray-ng-netizen

https://bandera.inquirer.net/286650/celebrity-moms-proud-na-ibinandera-ang-tatay-ng-mga-anak-ngayong-fathers-day

Read more...