Marc ibinandera ang muling pagbubuntis ni Danica: Happy Father’s Day to me…thank you Lord for another blessing!

Marc Pingris at Danica Sotto

CONFIRMED! Magkakaroon na nga ang celebrity couple na sina Danica Sotto at Marc Pingris ng bagong “angel” sa kanilang buhay.

Yes, buntis na ang TV host-actress sa ikatlong anak nila ng asawang basketball player at ibinandera nila ito ngayong mismong Father’s Day.

Si Marc mismo ang nag-announce ng good news sa kanyang Inatagram account kung saan ibinahagi pa niya ang photo ng resulta ng ultrasound ng magiging baby nila.

Makikita naman si Danica sa backgroud habang sapu-sapo ang kanyang tiyan.

“Happy father’s day to me,” ang caption ni Marc sa IG photo na ipinost niya gamit ang mga hashtag na #3, #PinoySakuragi, at #MyQueen.

“Thank you Lord for another blessing!” ang mensahe pa ng dating PBA player.


Bumuhos naman ang congratulatory messages para kina Marc at Danica mula sa kanilang mga social media followers, kapamilya at mga kaibigan sa showbiz.

Comment ni Pauleen Luna-Sotto, “Wooohooo!!! (heart emojis).”

“Congratulations brader @jeanmarc15 and madame!” ang mensahe ng TV host at aktor na si Andrei Felix.

Pagbati ni Doug Kramer, “Grabe!! Super congrats you guys!! (heart emojis). Excited for you!”

Komento naman ni Sam YG, “Congratulations paps!”

“AMEN TOL!!!” ang nasambit ni Oyo Sotto.

Sa kanya namang IG page, binati ni Danica ang asawa sa Araw ng mga Ama, kalakip ang kanilang litrato kasama ang mga anak.

“Happy Father’s Day my love! @jeanmarc15 Thank you for your patience, love and for everything you do for our family. Mahal na mahal ka namin!” ang caption ng anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie sa kanyang post.

Ikinasal sina Danica at Marc noong March, 2007 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Jean Michael at Caela. And very soon nga, magiging tatlo na ang kanilang kids.

https://bandera.inquirer.net/292878/danica-marc-ibinandera-ang-sikreto-sa-14-years-na-pagsasama-bilang-mag-asawa-bawal-magbanta

https://bandera.inquirer.net/284971/danica-may-binitiwang-pangako-matapos-magretiro-si-marc-sa-pba
https://bandera.inquirer.net/285357/marc-pingris-inamin-ang-tunay-na-dahilan-ng-pagreretiro-sa-pba-danica-anak-napaiyak

Read more...