ISA pang opisyal ng militar ang namatay sa Zamboanga City kahapon dahil sa sagupaan ng mga tropa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF).
Binawian ng buhay si 2Lt. Florencio Mikael Meneses, ng 7th Scout Ranger Company, sa Ciudad Zamboanga Hospital dakong alas-4:40 ng umaga, ayon kay Army spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang.
Ang 27-anyos na si Meneses, residente ng Pulilan, Bulacan, ay naka-confine sa naturang ospital mula pa noong Sabado, nang mabaril habang nagsasagawa ng “clearing operations” laban sa MNLF sa Brgy. Sta. Catalina, ayon kay Cabangbang.
Si Meneses ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class 2011. Naulila niya ang kanyang mga magulang na kapwa overseas Filipino worker.
Si Meneses ang ikalawang military officer na nasawi sa pakikipagbakbakan sa MNLF, kasunod ni 1Lt. Kristopher Rama, at ang ika-12 kawal na napatay.
Si Rama, na nasawi noong Set. 19, ay galing din ng Bulacan at miyembro ng PMA Class 2008.
1 pang Army officer patay sa Zambo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...