NAG-POST ng kanyang heartfelt birthday greeting ang aktres na si Iza Calzado para sa kanyang kaibigang si Jodi Sta. Maria.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanilang larawan na magkasama kalakip ang kanyang sweet message.
“My love, today is a milestone for you!” panimula ni Iza.
Pagpaptuloy nito, “What a life you’ve been blessed with and what a blessing you have been to so many lives, including mine. Your pure heart is a gift and today we celebrate YOU!”
Pinuri din ni Iza ang mga katangian ng kanyang kaibigan na talaga namang kanyang hinahangaan.
“What a beautiful, talented, smart, generous, caring, amazing human being you are. No matter where life takes us, I will forever be your fan and your friend. Mahal na mahal kita. Andito lang ako.
“Enjoy this day and every moment of your wonderful life! Happy Birthday!!!” pagbati ni Iza.
Nag-reply naman si Jodi sa post ng kaibigan at sinabing “I love you my love! Thank you soooo much for EVERYTHING! (heart emoji)”
Sa comment section ay makikitang nag-comment rin ang iba pang celebrities gaya nina Jake Cuenca, Sue Ramirez, Sherilyn Reyes, Hidily Diaz, at marami pang iba.
Kasalukuyang nasa Europe si Jodi para i-celebrate ang kanyang 40th birthday kasama ang kanyang anak na si Thirdy.
Bago ang selebrasyon ng aktres ay ang huling proyekto nito ay ang “The Broken Marriage Vow” na palaging trending at kaabang-abang bawat episode.
Going back, naging malapit na magkaibigan sina Iza at Jodi nang magkasama silang dalawa sa Kapamilya teleserye na “Ang Sayo Ay Akin” noong 2020.
Related Chika:
Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala
Iza Calzado lilipad na rin bilang Darna: Naiyak ako!
Iza Calzado na-intimidate noon kay Cherry Pie Picache: Ang husay niya!