Maymay Entrata unti-unti nang ine-expose ang non-showbiz BF: Buti napilit ko pa siyang mag-TikTok…miss you, mahal!

Maymay Entrata at ang kanyang non-showbiz boyfriend

Maymay Entrata at ang kanyang non-showbiz boyfriend

MULING nagpasabog ng kilig ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata matapos mag-share ng isang video kasama ang non-showbiz boyfriend.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na positibong comments mula sa netizens ang bagong TikTok video ng “Pinoy Big Brother” big winner.

Dito, kitang-kita na ang itsura ng karelasyon ng dalaga na obviously ay isang foreigner. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pinapangalanan ni Maymay.

“Buti napilit ko pa siyang mag-TikTok. Miss you, mahal!” ang maikling caption ni Maymay sa nasabing video.

Pero in fairness, ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang young actress ng TikTik video sa madlang pipol kasama ang gwapong boyfriend at kung paano nila na-eenjoy ang company ng isa’t isa.

Sa nasabing video, sumabak sa TikTok challenge ang magdyowa kung saan sinagot nila ang 14 questions tungkol sa kanilang relationship sa pamamagitan ng pagturo sa bawat isa.

Sa isang bahagi ng challenge, inamin ng boyfriend ni Maymay na siya ang unang nagsabi sa dalaga ng “I love you”.

Humamig na ng mahigit 8 million views sa TikTok ang video ni Maymay at ng kanyang dyowa, idagdag pa ang mga comments ng mga netizens na halos lahat ay nagsabing super kinilig sila sa sweet moments ng dalawa.

Matatandaang ipinakilala ni Maymay ang kanyang Canada-based boyfriend noong Valentine’s Day pero nananatili pa ring sikreto ang identity nito.


Sa isang panayam kamakailan, nabanggit ni Maymay na kahit mahirap ang long-distance relationship, pinipilit nila itong mag-work at pareho raw talaga silang committed sa isa’t isa.

“Pumasok ka sa relationship, dapat committed ka. Responsibility natin yung pagiging committed sa partner natin.

“Kapag consistent ‘yung nagmamahal sa ‘yo araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa. Araw-araw talaga. Ganito pala yung feeling na ako ‘yung priority,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/292000/kahit-anong-gawin-mo-na-maging-mabait-at-perpekto-lagi-silang-may-sasabihing-mali
https://bandera.inquirer.net/315020/maymay-entrata-balik-pilipinas-na-matapos-mag-aral-sa-canada-its-good-to-be-back
https://bandera.inquirer.net/291632/maymay-hindi-payag-na-magpakita-ng-motibo-sa-taong-gusto-nya-ayaw-kong-manligaw-kahit-hindi-ako-kagandahan-bahala-kayo-dyan

Read more...