Gender reveal para sa anak nina Rocco Nacino at Melissa Gohing idinaan sa ‘prank’: We’re having a baby BOY!

Rocco Nacino at Melissa Gohing

“IT’S a boy!” Yan ang bonggang announcement ng mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing sa gender ng kanilang first baby.

Yes! Lalaki nga ang magiging panganay nina Rocco at Melissa na kanila ngang ibinandera sa kani-kanilang Instagram account kahapon, June 14.

Super excited na raw ang Kapuso actor sa nalalapit na paglabas ng kanilang baby na tinawag pa niyang “new terror” sa kanilang bahay.

Ibinahagi ng future daddy sa IG ang ilang kaganapan sa gender reveal party para sa panganay anak nila ni Melissa kalakip ang kanyang mensahe sa lahat ng nakisaya sa naganap na party.

“We’re having a baby BOY!!!! So grateful to have our friends and family with us as we were surprised by our siblings last weekend!! Galing ng prank @_kayoool !!!

“A new terror is coming to the house! (laughing emoji),” sey pa ng aktor.

Sa isang pa niyang IG post, todo pasalamat nga ang aktor sa kanyang pamilya at sa mga kamag-anak ng asawa na naki-join sa kanilang gender reveal kahit pa idinaan daw ito sa pamamagitan ng prank.

Pagbabahagi pa ng Kapuso star, “Thankful for loved ones who joined us in person and via zoom!

“The weather did not allow us to do our gender reveal outside but luckily we had space inside the house to do the surprise! (Tyaga nalang sa paglinis after (laughing emoji),” aniya pa.


Samantala, wala naman daw issue kay Melissa kung “mini-me” ni Roco ang kanilang magiging first baby, “Boy oh boy! We are overwhelmed with joy!

“Tanggap ko na mini me mo ito @nacinorocco (laughing emoji). Getting rid of my heels to chase this wild little boy. Mana sayo! Haha!

“Thank you to our siblings who organized this surprise & family for being there to celebrate one of our joyous moments of our lives! What a success!

“Ang galing ng prank @_kayoool ! Haha! Wala ng mag-aaway kung boy or girl. Haha!

“We are so grateful to our family and friends who joined the zoom party,” pahayag ni Melissa sa kanyang IG post.

Matatandaang ibinandera ng mag-asawa na magiging mommy at daddy na sila nitong nagdaang Mayo. Nagpakasal ang dalawa noong Jan. 21, 2021.
https://bandera.inquirer.net/279896/hirit-ni-rocco-ngayong-mag-asawa-na-sila-ni-melissa-magkasama-na-kami-mag-cr-sabay-na-rin-maligo

https://bandera.inquirer.net/312797/rocco-nacino-melissa-gohing-magkaka-baby-na
https://bandera.inquirer.net/281573/rocco-ibinuking-ang-reaksyon-ng-asawa-nang-sabihing-makakatrabaho-uli-si-lovi

Read more...