NANINIWALA si Janice de Belen na karapatan ng mga anak na malaman kung ano talaga ang pinagdaraanan ng kanilang mga magulang.
Ayon sa veteran actress, mas mabuting alam ng mga bata ang tunay na estado ng pagsasama ng kanilang nanay at tatay dahil sila ang tunay na maaapektuhan sa anumang magiging desisyon ng bawat mag-asawa.
“People always say pag naghihiwalay, ‘Hindi kasama ang mga bata, huwag n’yo nang sabihin ang mga bata, hindi importanteng malaman nila.’ It’s not true,” pahayag ni Janice sa “Episode 6: The Third Party” ng “Wala Pa Kaming Title” podcast.
Kasama ng aktres dito ang kapatid niyang si Gelli de Belen at mga kaibigang sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan. Mapapanood din ang video sa Super Janice de Belen YouTube Channel.
Pagpapatuloy ni Janice, “This is their life, too. So, yes, they have to be part of it. They have to know why, so that maaga pa lang naiintindihan na nila that it is not right.”
Pag-alala pa ng premyadong aktres, batang-bata pa noon ang mga anak nila ng kanyang ex-husband na si John Estrada nang masira ang kanilang pagsasama dahil sa umano’y pagloloko ng aktor.
“Because that’s not right. I don’t want my children thinking that it is right and acceptable. Yung mga alam ko (na sorry) mga dalawa o tatlo. ’Yung mga hindi ko alam, hindi ko talaga alam hanggang ngayon.
“But I think the last part, ’yung pinakahuli, because it was parang, ano, alam na ng lahat. Siyempre artista ka, they do it in public. It’s the loss of respect na talaga.
“’Yung una siguro mapapatawad mo pa kasi feeling mo may discretion pa. Nahuli mo lang. Nitong huli, lack of respect. Ginawa mo sa publiko, natural gusto mong ipubliko,” pahayag pa ni Janice.
Taong 2002 nang opisyal na naghiwalay sina Janice at John matapos ngang kumalat ang chika na may affair ang aktor sa co-host nito noon sa Kapamilya noontime show na “Magandang Tanghali, Bayan”, si Vanessa del Bianco.
Sabi pa ni Janice, “Ang daling magpatawad, eh. Pero working things out, it’s a two-way street.
“Kahit sabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli.’ Kung ako ang magpapatawad at ako lang ang magtsu-choose na kalimutan ang nangyari and put it all behind. Pero, eto ka ulit the next day…” dagdag pa niya.
Napakahirap daw para sa kanya ang maging single mother, lalo na yung bahagi kung saan kailangan niyang ipaliwanag sa mga anak kung bakit kailangan na nilang maghiwalay ni John.
“Kasi ikaw lang ang nag-e-explain nang tama. It’s understandable that explaining to them is going to be hard. How do you explain to a 5-year-old that you changed their parent, ayaw mo na sa other parent?
“Kinausap ko naman sila, sinabi ko na eventually, there’ll be a new person in my life, and you may not like. That is fine, but you need to respect. Maybe your dad may have somebody else, you need not like but respect is needed,” aniya pa.
Patuloy pa niyang chika, “I think the actual change, the actual transition cured all the insecurity. Kasi mababa na ang self-esteem mo. When you decide, and you are in charge, parang all of the sudden, ‘I’m in charge of my life, I did it for myself,’ mawawala ang insecurity.
“And then when you survive the first month, the first two months, the first year…di naman ako umalis, bahay ko ’yun. The emancipation is really hard,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/315738/janice-sa-kabit-ng-ex-husband-pasalamat-ka-ako-ang-asawa-dahil-kung-hindi-pwedeng-patay-ka-na-o-na-deport-ka-na
https://bandera.inquirer.net/314027/janice-ayaw-nang-makatrabaho-si-john-pero-payag-kay-aga-magkaiba-kasi-yung-status-ng-relationship
https://bandera.inquirer.net/304718/janice-de-belen-insecure-noon-sa-katawan-pero-ngayon-so-what-this-is-me-ayaw-nyo-di-wag-nyo