KUNG may isang celebrity na talagang iniidolo at nirerespeto ng Kapuso youngstar na si Abdul Raman, yan ay ang award-winning actor na si Dennis Trillo.
Naibahagi ng binata ang tungkol sa pagtulong ng Kapuso Drama King sa pagpapagamot ng kanyang inang inatake noon sa puso, sa presscon ng bago niyang show sa GTV, ang “TOLS.”
Kuwento ni Abdul, medyo okay na raw ang nanay niya ngayon matapos ang halos isang taong gamutan. Nakakapagsalita na raw ito at umaasa siya na tuluy-tuloy na ang paggaling ng ina.
“She’s fine. She’s recovering now. Medyo halted po ngayon, kasi we’re waiting for the doctor’s (advice) kasi may mga kailangan pa po siyang pagdaanan.
“Pero nakapagsalita na po, although medyo hirap pa rin po siyang kumilos but the good news po is nag-progress na po,” pahayag ni Abdul.
Abot-langit daw ang pasasalamat niya sa GMA dahil talagang hindi siya pinabayaan ng network noong panahong down na down siya. Sa katunayan, sunud-sunod ang projects na ibinigay sa kanya ng istasyon kahit may pandemya.
Pagkatapos niyang gawin ang “Legal Wives” last year, binigyan agad siya ng “Raising Mamay” kasama pa rin ang ka-loveteam niyang si Shayne Sava at meron pa siya ngayong comedy show sa GTV, ito ngang “TOLS” na magsisimula na sa June 25 ng 7:05 p.m. sa GTV.
Ang isa pa sa mga pinasalamatan niya na tumulong sa kanyang ina ay si Dennis Trillo na nakasama niya sa “Legal Wives”. Ginagawa niya noon ang nasabing serye nang atakihin ang kanyang nanay.
“Si Kuya Dennis, ang laki-laki po ng contribution niya, at marami pa pong ibang mga Kapuso stars na tumulong talaga.
“Grabe! Nakaka-touch po talaga si Sir Dennis. Gusto ko pong maging kagaya ni Sir Dennis,” pahayag ni Abdul sa isang panayam.
Na-stroke ang nanay ni Abdul noong July 12, 2021 at sa kanyang Facebook account, nanawagan ng tulong pinansiyal si Abdul.
“Hello po sa lahat ng mga friends and families ko, this is the first and only time na mag po post po ako ng ganito.
“My mom had a stroke and was immediately brought to 3 hospitals, the first 2 were over capacity, after the CT scan na laman po namin na may namuo na pong blood clot sa ulo niya.
“I was at the taping for my show at the time, pauwi pa lang po ako and I haven’t seen my mom in almost a month.
“Just today (July 13) natapos na po operation niya sa ulo and everything went well, but according to the doctor due to the nature of operations in the head, she will never be the same as before.
“I am desperate and in dire need of everyone’s help who is willing po, and I am willing to sell my personal belongings to pay for the hospital bills (I cannot post any picture or video of my mom in the hospital since bawal po),” ang mensahe noon ni Abdul para sa na-stroke na ina.
https://bandera.inquirer.net/289204/starstruck-graduate-abdul-raman-nag-aalala-pa-rin-sa-inang-na-stroke-kapuso-stars-tumulong-sa-pagbabayad-sa-ospital
https://bandera.inquirer.net/306236/shayne-kinilig-sa-paandar-ni-abdul-from-marikina-to-pasig-dinalhan-niya-ako-ng-food-naka-bike-lang-siya
https://bandera.inquirer.net/315760/shayne-sava-niregaluhan-ni-abdul-raman-ng-sapatos-na-nagkakahalaga-ng-p30k-pero-hindi-raw-nanliligaw